PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza shows impressive acting in Maria Clara at Ibarra

Maria Clara at Ibarra ng GMA-7, consistent na mataas ang TV ratings.
by Jojo Gabinete
Published Oct 8, 2022
Barbie Forteza in Maria Clara and Ibarra
Pinagbibidahan nina Barbie Forteza (left and right), Dennis Trillo (center on right), at Julie Anne San Jose (wearing a choker) na Maria Clara at Ibarra, consistent na mataas ang ratings.
PHOTO/S: Maria Clara at Ibarra

Consistent ang mataas na ratings ng Maria Clara at Ibarra mula nang ipalabas ito ng GMA-7 sa telebisyon noong Lunes, October 3, 2022.

Bukod sa mataas na ratings, gabi-gabing trending sa Twitter Philippines ang teleserye na gumagawa ngayon ng ingay.

Pinupuri ang mga pagganap nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Dennis Trillo, at ng mga co-star nila, ang pinag-isipan na production design, at ang direksyon ni Zig Dulay.

READ: Maria Clarra at Ibarra, wagi sa TV ratings; trending din sa Twitter

Masaya kami para kay Barbie dahil nasubaybayan namin ang pagsisimula niya sa showbiz kaya aming nasaksihan ang pag-unlad ng kanyang kakayahan sa pag-arte.

Mahusay si Barbie bilang Klay, ang modern Maria Clara, lalo na sa eksena nila ni Lou Veloso nang magtagpo sila sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Sari-saring emosyon ang ipinakita ni Barbie, na may karapatan na magkaroon ng acting nominations para sa karakter na ginagampanan niya sa nakakaengganyo na panoorin na prime-time drama series ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin na rin ng mga guro sa paaralan ang magandang kuwento ng Maria Clara at Ibarra na nag-uugnay sa Noli Me Tangere—na isinulat ni Dr. Jose Rizal noong 1887—at sa mga kabataan ngayon.

Hindi nakagugulat kung sakaling isang araw, papurihan na rin ng Filipino historians at ng National Commission for Culture and Arts ang desisyon ng GMA-7 na isalin sa telebisyon ang kuwento ng sikat na nobela ni Rizal.

Ang Grade 3 teacher na si Charlaine Alyssa Sese ang naglabas sa social media ng video ng kanyang mga estudyante na tutok na tutok sa panonood ng Maria Clara at Ibarra.

Nakakatuwa na nabigyan ng enjoyable twist ang mensahe nito na nagpapaalaala sa lahat sa kasaysayan at karanasan ng mga Pilipino noong sinakop ng Espanya ang ating bansa, na hinding-hindi dapat mabaon sa limot.

Nakatulong ang mainit na pagtanggap ng publiko sa Maria Clara at Ibarra para lalong tumaas ang ratings ng kasunod na programa nito, ang Start-Up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napatunayan ng televiewers na mas maganda at nakakaaliw kesa original Korean version ang Philippine adaptation ng prime-time program nina Bea Alonzo, Alden Richards, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagbibidahan nina Barbie Forteza (left and right), Dennis Trillo (center on right), at Julie Anne San Jose (wearing a choker) na Maria Clara at Ibarra, consistent na mataas ang ratings.
PHOTO/S: Maria Clara at Ibarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results