PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco hopes to work with Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

David Licauco downplays network wars.
by Nikko Tuazon
Published Feb 26, 2023
David Licauco
David Licauco speaks as a big fan of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: "Growing up, sila talaga yung pinapanood ko. Kinikilig ako sa sinehan kasama ko yung mga family ko or friends and mga girlfriends ko before. So, yeah, I’m a big KathNiel fan."
PHOTO/S: @davidlicauco / PEP File

Hindi nagpapaapekto ang GMA-7 hunk na si David Licauco sa "network wars."

Sa pagtatapos ng hit Kapuso prime-time series na Maria Clara at Ibarra, patuloy ang bangayan ng ilang netizens sa social media ngayong ang Batang Quiapo ni Coco Martin ang itinapat ng ABS-CBN sa huling dalawang linggo ng Maria Clara at Ibarra matapos ang Darna na pinagbidahan ni Jane de Leon.

Pero walang issue para kay David ang banggaan ng mga serye sa prime-time lalo't hindi ito naniniwala sa "network war."

Paliwanag ni David, "I don’t believe in network wars.

"We all have to think na parang the reason why we have shows is because it’s for us to make people happy.

"Kasi alam naman natin na nakakapagod ang buhay minsan, maraming problema.

"So bakit pa tayo magne-network wars?

"Siguro nasa network na lang yun kung sino mas magaling, kung sino yung mas makakapagpasaya ng tao, sa ayun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si David sa launch ng kanyang endorsement para sa Blue Water Day Spa nitong February 17, 2023 sa Marco Polo Hotel sa Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read related story: David Licauco reacts to his old tweets about Jose Rizal; admits feeling pressure being dubbed as "Pambansang Ginoo"

DAVID LICAUCO'S DREAM PROJECT

Nang tanungin naman kung sino ang nais nitong makatrabaho mula sa Kapamilya network, mabilis na sagot ni David, "I would love to work with Kathryn Bernardo."

Paliwanag nito, "I’m a big KathNiel fan and growing up, sila talaga yung pinapanood ko.

"Kinikilig ako sa sinehan kasama ko yung mga family ko or friends and mga girlfriends ko before.

"So yeah, I’m a big KathNiel fan."

Kuwento pa ni David, ilang beses nang nakasalamuha niya si Kathryn at ang boyfriend nito na si Daniel Padilla dahil sa clothing brand na pareho nilang ine-endorso.

Aniya, "I’ve met them a couple of times sa Bench na fashion show, but I never really go to talk with them."

Open naman kaya siya na maging third party nina Kathryn at ni Daniel Padilla sa isang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni David, "Why not? Kasi KathNiel yun, e, di ba? I’m a big fan."

Dagdag pa niya, si Daniel raw ang isa sa mga iniidolo niyang aktor sa industriya.

"Actually, every time na may mabigat akong eksena, pinapanood ko yung mga eksena ni Daniel.

"Yung mga pauses niya, kung paano siya magsabi ng specific line. Kasi siya talaga yung tinitingala ko sa showbiz."

Hindi naman nakalusot sa press ang sagot ni David na sinabi nitong KathNiel movies ang pinanood nila ng mga dating nitong naging girlfriend.

Kaya natanong si David kung si Sue Ramirez ba ang tinutukoy niya dito.

Mabilis na sagot ni David, "Hindi, hindi! Iba! Iba!"

Patuloy nito, "That was like 2014, 2015 pa. And pinanood namin, yung Can’t Help Falling In Love at saka yung isa…

"Ano ba yun, yung nasa Subic sila? Crazy Beautiful You! That’s my favorite."

READ MORE:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco speaks as a big fan of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: "Growing up, sila talaga yung pinapanood ko. Kinikilig ako sa sinehan kasama ko yung mga family ko or friends and mga girlfriends ko before. So, yeah, I’m a big KathNiel fan."
PHOTO/S: @davidlicauco / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results