PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda on Eat Bulaga! Dabarkads birthday greeting

Vice Ganda: "Binati nila ako dun, ang saya! Mabuhay kayo Eat Bulaga!"
by Arniel C. Serato
Published Mar 31, 2023
Vice Ganda surprised by Joey de Leon, Eat Bulaga Dabarkads birthday greetings
'It's Showtime' host and birthday celebrator Vice Ganda (left) in cloud nine after getting a surprise birthday message from Joey de Leon (right) and other Dabarkads of rival show 'Eat Bulaga!'
PHOTO/S: Courtesy: YouTube

Sa isang pambihirang pagkakataon, tila natuldukan na ang noontime-show battle na dekadang namamayani sa mundo ng telebisyon sa Pilipinas.

Ngayong Biyernes, March 31, 2023, bigla na lamang binanggit at binati ni Joey de Leon ng Eat Bulaga! ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kaarawan nito.

Ipinagdiriwang ni Vice ang kanyang ika-47 kaarawan ngayong araw.

Sa live episode ng Eat Bulaga! kanina ay nabanggit ni Joey na birthday ng kanyang ina.

Kaya binati rin ng Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, at Maja Salvador ang ina ng veteran TV host-comedian.

Dagdag ni Joey, “Birthday din ni Vice Ganda ata?”

At binati na rin ng ibang Dabarkadas ng "happy birthday" si Vice, na host ng katapat nilang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napanood ito ni Vice at hindi mapagsidlan ang saya na kanyang nararamdaman.

Sabi niya sa live episode ng It’s Showtime ngayon ding araw: “I’m so happy. Binati nila ako ng happy birthday sa Eat Bulaga!.

"Kay Tito Joey, Sir Joey de Leon, maraming-maraming-maraming salamat.

“Binati nila ako dun, ang saya. Mabuhay kayo Eat Bulaga!, more years to come! I love you.”

Komento naman ni Anne Curtis, “Ito pala ang dulot ng chill, no?”

Pagsang-ayon ni Vice: “Ang chill. The world is chilling.

"I love you Dabarkads. I love you Eat Bulaga! Sa lahat sa inyo diyan, maraming-maraming salamat.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malayung-malayo na ang sitwasyong ito sa mga parinigan nina Vice at Joey noon.

Noong October 2015, may mga matalinhagang tweets si Joey tungkol sa “kabayo,” na ayon sa maraming netizens ay pinaparinggan ng Eat Bulaga! host ang It's Showtime host na si Vice.

Madalas kasing ikumpara ni Vice ang sarili sa kabayo, na siya ring biro sa kanya.

Sumikat din nang todo sa showbiz si Vice nang gawin ang pelikulang Petrang Kabayo noong 2010.

Read: Joey de Leon tweets about “kabayo”; netizens claim he is referring to Vice Ganda

Noon namang August 2017, trending sa social media ang biro ni Vice tungkol sa slogan ng GMA Network.

Tinanong niya ang contestant sa segment noon ng It's Showtime na Miss Q and A, "Kung sinasabing ang GMA ay 'Where You Belong,' ba't sila naglilipatan?"

Read: Vice Ganda: "Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba't sila naglilipatan?"

May patama namang tweet mula kay Joey isang araw makalipas itong bitawan ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay kasi ito ng ibang interpretasyon tungkol sa dating tagline ng GMA Network na “Where you belong.”

Sabi ng veteran comedian-TV host: “We don't care where we belong. Ang iniintindi namin ay TO BE LONG! Or TO BE THE LONGEST!”

Read: Joey de Leon has witty remark on Vice Ganda's joke about GMA-7's "Where you belong" tagline

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'It's Showtime' host and birthday celebrator Vice Ganda (left) in cloud nine after getting a surprise birthday message from Joey de Leon (right) and other Dabarkads of rival show 'Eat Bulaga!'
PHOTO/S: Courtesy: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results