PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon wants more privacy in relationship with Elisse Joson

McCoy admires Coco Martin's "no script" directing style for Batang Quiapo
by Melba R. Llanera
Published May 6, 2023
Elisse Joson posts picture with "my date" McCoy de Leon
McCoy de Leon wants to keep his relationship with Elisse Joson private: "Sa amin siguro, pinapanatili kong pribado muna. Masasabi ko, siguro mas payapa. Sabi ko nga, di perpekto, pero masasabi ko na private ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kapansin-pansin ang pag-iwas na ni McCoy de Leon na magbigay ng detalye kapag tinatanong siya tungkol sa relasyon nila ng live-in partner at dating kapareha na si Elisse Joson.

READ: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."

READ: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?

Matatandaang dumaan sa pagsubok ang pagsasama ng dalawa nang ma-involve si McCoy sa vlogger na si Mary Joy Santiago noong nakaraang Enero. Kinumpirma ng aktor ang paghihiwalay nila ni Elisse pero pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagkabalikan ang dalawa.

READ: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

Dalawang taon na ang anak nila na si Felize McKenzie.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si McCoy sa nakaraang grand conference ng seryeng Batang Quiapo na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City nung nakaraang May 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, "Sa amin siguro, pinapanatili kong pribado muna. Masasabi ko, siguro mas payapa. Sabi ko nga, di perpekto, pero masasabi ko na private ngayon."

Aminado si McCoy na marami siyang natutunan sa pinagdaanan nila ni Elisse pero dito niya mas napatunayan ang kahalagahan ng privacy sa isang relasyon.

"Marami, tulad ngayon masarap pala pag tahimik lang," pag-amin niya.

Ipinagdiwang ni Baby Felize ang kanyang ikalawang kaarawan sa pamamagitan ng isang Encanto-themed party nung April 13 kung saan makikitang buo at masaya ang kanilang pamilya.

Pagpapasalamat niya, "Kaka-two lang, simple lang, ang importante ay family. Nandun ang family namin, both sides.

MCCOY’S MOTHER’S DAY MESSAGE FOR ELISSE

Nang tanungin naman kung ano ang mensahe niya kay Elisse sa darating na Mother's Day, nagbiro si McCoy na ite-text na lang niya ang ina ng anak sa espesyal na araw na ito.

Pabirong hirit niya, "Siguro text ko na lang, nasabi ko naman sa kanya nang personal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero mas seryoso niyang pahayag, “Maasikaso? Given naman, siguro kung ano ang pagkakakilala ninyo kay Elisse. Ako as a father? kung ano ang pagkakakilala ninyo sa akin, yun lang ang mase-share ko.

MCCOY SUPPORTIVE OF ELISSE’S VENTURE INTO DARING ROLES

Marami ang nagulat sa pagpu-post ni Elisse ng mga sexy shots sa kanyang instagram nung February 25 kung saan nakasuot lamang siya ng tights at underwear. Hula ng iba ay maaaring simula na ito ng pagpapa-sexy at pagganap ng aktres sa mga sexy roles.

"Yun nga. Sabi ko nga, nasa point kami na nadi-discover namin yung nga di namin nabibigay dati. Nasa track din naman namin na na-try namin na ibigay ang kakayahan namin kagaya ng pagpapaseksi.

"Sa akin, maluwag naman sa loob ko. Di naman ako yung klase ng tao na ayoko ng ganyan at nasa point naman siya kung ano ang choices niya.

“Heto nga, may ginawa na nga ako na kakaiba sa Batang Quiapo, siguro nasa istorya, hindi yung bigla na lang naghubad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MCCOY ADMIRES COCO MARTIN’S DIRECTING STYLE FOR BATANG QUIAPO

Gumaganap bilang David sa Batang Quiapo, tinanong namin si McCoy kung aprubado ba sa kanya ang istilo ng pagdidirek ni Coco na wala itong ginagamit na script at impromptu ang lahat.

Pahayag niya, "Sabi ko nga, nae-enjoy ko yun. Ang sarap ng ganun kasi nagiging authentic. Yung binibigay ni Direk, kakaiba.

“Hindi yung karaniwan, nasa iyo na yun kung paano mo lalaruin. Actually, mayroon nga dun na mga linya na nadadagdag na pasok sa eksena, yun naman ang importante."

MCCOY OPEN TO EXPLORING OTHER KONTRABIDA ROLES

Dahil kontrabida ang role ni McCoy bilang David sa istorya, inamin niyang marami ang nagagalit sa kanya dahil sa papel na ginagampanan niya.

Sabi niya, "Kinamumuhian at nagagalit nga sa akin ngayon yung mga tao, pero alam ko naman at sabi nga sa akin nila Direk, matalino ang mga tao, saka alam din naman nila na sa teleserye lang yun. Nagagalit sa akin talaga, minsan nga minumura pa ako sa kalsada.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas sa ganitong klase ng roles pero para kay McCoy sa susunod na tatanggap siya ng ganitong klase ng role, ang gusto niya ay iba sa karakter niya bilang David sa Batang Quiapo.

Saad niya, "Actually, nag-enjoy ako, pero kung magkakaroon uli ako ng ganung role, sana ibang flavor naman. Di kaparehas ni David, sana may ibang flavor, mas iba. Di naman closed ang doors ko pagdating sa mga ganun.

"Sabi ko nga iba, itong David, iba itong Batang Quiapo, yung impact nito sa buhay ko.

“Nasa point ako ng craft ko na I'm doing my best, hanggang ngayon inaaral ko pa rin kung ano ang puwede pa sa mga susunod, kasi di natin alam kung hanggang kailan ang aabutin ng Batang Quiapo, kaya di puwede na yun at yun lang ang maibibigay natin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon wants to keep his relationship with Elisse Joson private: "Sa amin siguro, pinapanatili kong pribado muna. Masasabi ko, siguro mas payapa. Sabi ko nga, di perpekto, pero masasabi ko na private ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results