Binulabog ng TikTok post ng isang netizen ang mundo ng mga “Marites” dahil sa diumano’y bagong babaeng nauugnay ngayon sa aktor na si McCoy de Leon.
Ang post ay ibinahagi ng isang netizen at pinagpasa-pasahan na sa TikTok.
Hindi na mahanap ang original uploader, pero sa isang nakapag-share nito kagabi, January 3, 2023, ay mayroon na itong mahigit 3.2 million views.
Nakalagay sa caption: “PATI BA NAMAN IKAW MCCOY [thinking face emoji] #fyp #fyp? #issues #foryou @mccoyddeleon @_elissejoson @mrysntgo”
@pards592 PATI BA NAMAN IKAW MCCOY????? #fyp #fyp? #issues #foryou @mccoyddeleon @_elissejoson @mrysntgo ? original sound - MOONICXZZ - FATIMA???????
Naka-tag dito ang mga account ni McCoy, ng girlfriend niyang si Elisse Joson, at isang nagngangalang "Mary Joy Santiago."
Makikita ritong tila may isang sweet photo si McCoy at ang non-showbiz girl.

Kung susuriing mabuti ang larawan, tila galing ito sa Instagram Story ng non-showbiz girl.
Pero hindi tuwirang masabing authentic o in-edit lamang ang larawan ni McCoy at ng non-showbiz girl.
Kasabay ng pag-viral sa nasabing post, isang cryptic post naman ang ibinahagi ni Mary Joy sa kanyang Instagram Story kagabi.
Nakasulat dito, "Instead of making assumptions about me and what I do how about you just ask.
"So quick to believe things about a person without even knowing them or even simply having a conversation with them.
"You guys are on some childish type of sh*t and I'm not here for it."

Dahil dito, inakusahan ng netizens si McCoy ng pagiging “cheater.”

Bunsod nito, mas lalo pang umiinit ang ilang linggo nang usap-usapang on the rocks umano ang relasyon nina McCoy at Elisse.
Pansin din kasi ng netizens na matagal nang hindi nagpu-post ng larawan nilang magkasama ang magkasintahan.
Noon, madalas nilang ipagsisigawan ang kanilang pagmamahalan lalo na at nakabuo na sila ng sariling pamilya sa pagdating ng kanilang baby na si Felize.
Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon
Noong December 19, 2022, mas lalo pang umigting ang usap-usapang hiwalayan dahil sa post ni McCoy kasama ang baby nila ni Elisse.
Sabi niya sa caption, “Lagi mong tatandaan na mahal kita”
View this post on Instagram
Bago pa i-disable ni McCoy ang comments section, mababasa rito ang ilang obserbasyon ng netizens tungkol sa dalawa.
Marami namang tagahanga ng love team ng dalawa ang nalungkot kung sakaling may katotohanan ang alingasngas na ito.
Hindi ito ang unang pagkakataong naghiwalay ang dalawa.
Noong 2018, nabalita rin ang hiwalayan ng dalawa nang i-unfollow ni McCoy si Elisse sa Instagram.
2019, natuluyan na ang hiwalayan ng dalawa.
Pero noong August 2020, nagkabalikan sina McCoy at Elisse.
Read: Are McCoy de Leon, Elisse Joson back together? Celebs, fans cheer actor’s kilig post
Parehong wala pang pahayag na inilabas sina McCoy at Elisse ukol sa isyung ito.
Nagpaabot na rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Mary Joy sakaling may nais siyang liwanagin ukol sa isyung ibinabato sa kanya.
