PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

Elisse Joson and McCoy de Leon together again?
by Arniel C. Serato
Published Jan 20, 2023
Elisse Joson, McCoy de Leon reconciliation?
After the much-talked about breakup of McCoy de Leon and Elisse Joson, the McLisse real-reel life couple were spotted with their baby Felize at a theme park in Tagaytay.
PHOTO/S: Courtesy: @azr.914 on TikTok

Nagkabalikan ba sina Elisse Joson at McCoy de Leon matapos nilang maghiwalay?

Ito marahil ang katanungan ng maraming netizens dahil sa TikTok post ng isang uploader kung saan kitang magkasama ang dalawa.

Kita sa mga mukha nina Elisse at McCoy na tila walang nangyaring hiwalayan sa pagitan nila.

Nakangiti silang namamasyal kasama ang kanilang anak na si Felize sa isang theme park sa Tagaytay.

Elisse Joson, McCoy de Leon spotted together after breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ng uploader noong nakaraang Miyerkules, January 18, 2023, “@Mccoy De Leon @felizemckenzieee Nahiya naman po yung braso ko sa braso po ni Maam Ellise.

"Sobrang ganda at sexy. Sobrang cutie din ni felize. Sobrang bait po nila. kinausap pa po si baby kahit tulog. Hehe. #ellisejoson #mccoydeleon #felizemckenzie #sweetcouple #happyfamily

Hindi sinabi kung kailan kinunan ang nasabing mga litrato.

@azr.914 @Mccoy De Leon @felizemckenzieee Nahiya naman po yung braso ko sa braso po ni Maam Ellise. Sobrang ganda at sexy. ???? Sobrang cutie din ni felize. ???? Sobrang bait po nila. kinausap pa po si baby kahit tulog. Hehe. #ellisejoson #mccoydeleon #felizemckenzie #sweetcouple #happyfamily ? Jopay - Mayonnaise

THE BREAKUP

Noon pang 2022 nagsimula ang haka-hakang may pinagdaraanang problema sa relasyon sina McCoy at Elisse.

Ito'y matapos mapansin ng kanilang fans ang tila hindi na pagpo-post ng dalawa ng kanilang family picture together lalo na noong Pasko at Bagong Taon.

Mas lalo pa silang naintriga nang mag-post si McCoy ng larawan nila ng kanyang anak na si Felize na may makahulugang caption.

Nasundan pa ito ng isang cryptic post naman ni Elisse.

January 3, 2023, nag-trending sa TikTok ang video na makikitang kasama ni McCoy si Mary Joy Santiago, isang social media influencer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?

January 4, 2023, in-edit ng aktor ang original caption ng Instagram post niya patungkol sa paghingi ng tawad sa kanyang anak.

Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?

Kinagabihan ng January 4 ay tuluyan nang inamin ni McCoy na nagwakas na ang mahigit dalawang taon nilang relasyon ni Elisse, mula nang magbalikan sila noong mid-2020.

Read: McCoy de Leon says "sorry" amid cheating issue

Sa kanyang sunud-sunod na Instagram Story, ibinunyag nitong wala na sila ni Elisse, kalakip ng kanyang mensahe ng paumanhin sa mga taong nadismaya sa mga pangyayari.

Pero, pinabulaanan niyang may third party sa kanilang hiwalayan.

Ang sabi niya: "Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo."

Dinepensahan niya ang sarili sa kontrobersiyal na pagkakaugnay niya sa isang non-showbiz girl na tinukoy na si Mary Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga salita ng aktor, ipinahiwatig niyang may iba umano silang isyu ni Elisse.

Ani McCoy, "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat ng problema kaya po ako sumuko."

Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After the much-talked about breakup of McCoy de Leon and Elisse Joson, the McLisse real-reel life couple were spotted with their baby Felize at a theme park in Tagaytay.
PHOTO/S: Courtesy: @azr.914 on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results