Angeli Pangilinan explains why Gary Valenciano and Martin Nievera were absent from ASAP Natin 'To

IMAGE @garyvalenciano / @martinnievera on Instagram

Gary Valenciano's wife and manager, Angeli Pangilinan, explains why Gary (left) and Martin Nievera (right) were not seen in the November 25 episode of ASAP Natin 'To.



Sinagot ni Angeli Pangilinan ang tanong ng mga netizens kung nasaan sina Gary Valenciano at Martin Nievera sa episode ng ASAP Natin 'To kahapon, November 25.

Si Angeli ang asawa at tumatayong manager ni Gary V.

Kahapon din ang ikalawang episode ng ASAP Natin 'To, ang title ng reformatted version ng long-running Kapamilya Sunday noontime variety show.

Sa unang episode ng ASAP Natin 'To noong November 18, kabilang si Gary V. sa mga naghu-host ng spiels, kasama sina Regine Velasquez, Luis Manzano, Sarah Geronimo, at Piolo Pascual.

Subalit kapansin-pansin na wala siya kahapon.

Samantala, si Martin naman ay hindi pa nakikita sa palabas simula nang mag-reformat ito.

Sa tweets ni Angeli kahapon, November 25, ay ipinaliwanag niya kung bakit wala ang dalawang haligi ng ASAP sa episode kahapon.

Saad niya (published as is): "Gary was supposed to guest in @ASAPOFFICIAL today but we requested for a rest because of his #AwitAtLaro intense November schedule. He was really not supposed to be on ASAP Natin ‘To today.

"Meantime Martin is in Europe which is why he has been absent. Netizens pls relax."

Ipinaliwanag din ni Angeli sa isang netizen na sila mismo ni Gary V. ang nanghingi ng dalawang beses na pahinga kada buwan mula sa paglabas sa ASAP.

Hindi na nakita ang pinanggalingan ng paliwanag ni Angeli dahil deleted na ang tweet ng netizen.

Sabi ni Angeli, "@manila_genesis can only speak for Gary. We requested last year for Gary to be 2x a month bcuz we value our family Sundays (with Leia) & it was very tiring without a free Sunday.

"Since he is in Showtime also it got more tiring. Hope you understand. Give @ASAPOFFICIAL a chance!"

Si Leia ang apo ni Gary V. at Angeli sa anak nilang si Paolo Valenciano.

Isang netizen din ang nag-reply kay Angeli at sinabi niya kung gaano siya kasaya na kasali pa rin ang dalawa sa ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng netizen na may handle na @sarahg_4evermore: "Thank GOD both belong pa rin for Asap sila kc 2 parang pinka root ng Asap kaya dapat di cla mawala. Akala ko every other week si Mr. Gary while I thought wla na totally si Mr. Martin."

Sagot naman ni Angeli dito, "Always remember that Martin has family in the US so he is there normally once a month. Fans need also to understand the priorities of the artists.

"Thank u for loving our best friends. We are all friends so network movements may hurt us but that doesnt erase our love 4 each other."

Sa ipinalabas na teaser ng ASAP Natin 'To para sa susunod na linggo, December 2, ay nakatakdang mag-perform muli si Martin sa programa.

READ ABS-CBN reformats Sunday variety show to ASAP Natin 'To!

READ Gary Valenciano explains why he supports ASAP reformatting

READ Regine Velasquez clueless about ASAP reformat casualties

READ Regine says ASAP reformatting is not because of her transfer

READ Will some stars be dropped from ASAP when Regine Velasquez joins the show?

READ ASAP Natin 'To versus Sunday Pinasaya: who wins according to AGB and Kantar ratings?


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN