Umamin ang Vivamax actress na si Cess Garcia na isa siyang bisexual.
Nangyari ito sa mediacon ng Linya, ang bagong handog ng streaming app ng Vivamax.
Tampok dito sina Cess at kapwa niya Vivamax actress na si Sheila Snow, at ang mga barakong hunk ng Vivamax na sina Anthony Davao, Chester Grecia, at VJ Vera.

Tinanong kasi si Cess kung kanino siya tinatablan sa mga sexy scenes niya sa kanyang mga Vivamax projects.
Walang maisagot na aktor si Cess.
“So far wala pa naman po,” umpisang reaksiyon ni Cess.
“Swear, kasi ang iniisip ko lang talaga dun is trabaho at nagpo-focus lang ako sa kung ano yung pinapagawa sa akin, kung ano yung nasa script, ganun.”
CESS GARCIA: "I'M BISEXUAL"
Sa tanong kung may Vivamax actor siyang pinapantasyang makapareha or kung may crush siyang male actor ay matagal hindi nakasagot si Cess.
“Wala, wala, wala talaga.
“Siguro… wala e, wala.
“Wala po, kasi… sabihin ko ba,” at natawa si Cess na tila kinakabahan.
“Hindi po ako ganun na-a-attract sa guy kasi I’m a bisexual, bisexual ako, oo.
"Bisexual ko, oo, pero siguro na-a-attract lang ako sa kanya kapag sobrang caring niya, kapag nararamdaman ko na parang hindi siya katulad ng mga... ah basta, iyon na yun.
“Basta hindi ako ganung na-a-attract sa guy.”
Kaninong Vivamax actress naman siya attracted, na wish niyang makapareha niya?
“Sino ba? Wala akong maisip pero may isa, ayoko nang sabihin!
“Nahihiya ako kasi nakasama ko na siya sa isang movie. Hindi ko na lang sasabihin yung name.
"Basta na-attract ako sa kanya kasi sobrang bait niya. And that time kasi na nasa shoot kami, wala akong dalang chair nun, then kinabukasan dinalhan niya ako.
“Wala, parang, kinilig ako that time,” pag-amin niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cess sa Linya mediacon nitong Biyernes, June 7, 2024, sa Viva Boardroom sa Tektite East Tower sa Ortigas Center, Pasig City.
Tinanong ng PEP.ph si Cess kung nagkaroon na siya ng girlfriend.
Pakli niya, “Nagka-girlfriend ako pero hindi ko siya kino-consider na parang girlfriend.”
Hindi raw sila nagkaroon ng intimacy.
Read: Vivamax actress Sheila Snow is proud bisexual
CESS GARCIA'S ADVICE ON COMING OUT
Dahil Pride Month ngayong buong buwan ng Hunyo, hiningan namin si Cess ng mensahe para sa mga natatakot mag-come out at ihayag ang tungkol sa kanilang pagiging gay o lesbian.
Pag-amin niya, “Ako kasi natakot kasi ako nung umamin ako sa mom ko.
"Pero ang masasabi ko lang sa inyo na huwag kayong matakot sa kung sino kayo.
“Kasi kahit naman hindi ka lalaki or babae na talagang gustong maging ng mga magulang mo, kasi kahit ano naman yung gender mo, anak ka pa rin naman nila, e.
“So huwag kang matakot, i-push mo yan, kumuha ka na lang ng lakas ng loob."
Kung natakot siyang mag-come out sa nanay niya noon, saan siya humugot ng lakas ng loob?
“Ako kasi kumuha ako ng lakas ng loob sa kaibigan ko lang, e.
“Na parang pinapakita ko sa kanya at tsaka ipinaparamdam ko sa kanya na, ‘Huy ano, ganito ako, ganyan.’
“Hanggang sa nasabi na rin niya sa mom ko!" dagdag niya.
Ano ang naging reaksiyon ng nanay ni Cess sa naging rebelasyon ng kanyang kaibigan?
Pagklaro niya, “Hindi naman nagalit sa akin. Sinabi lang sa akin ng mom ko na, ‘Hindi ka totally magiging ganyan, magkakagusto ka pa rin naman sa guy.'
"Pero sa ngayon, hindi pa.”
Read: Vivamax star Angelica Cervantes aminadong bisexual; three years na ang relasyon sa girlfriend
CESS GARCIA'S ROLE IN LINYA
Samantala, sa Linya ay gaganap si Cess bilang si Gia, isang college dropout na nagtatrabaho sa isang coffee shop.
Dahil maganda at sexy ay maraming nagkakagusto sa kanya, at isa na rito si Cris (Anthony), isang malapit na katrabaho. Bukod dito ay nasa isang nakakasakal na relasyon din si Gia, sa isang government official na si Councilor Aries Guevarra (Chester) na siya niyang sugar daddy.
Ang Linya ay sa direksyon ni Carlo Alvarez at streaming na ngayon exclusively sa Vivamax.
