PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax actress Sheila Snow is proud bisexual

"Nag-out ako sa Facebook page."
by Rommel Gonzales
Published Jun 16, 2024
Shiela Snow, one of the main stars of VIVAMAX movie Linya, is bisexual
Shiela Snow, one of the main stars of VIVAMAX movie Linya, is bisexual.
PHOTO/S: @iamshielasnow on Instagram

Parehong bisexual ang dalawang bidang female stars ng bagong handog ng Vivamax streaming na Linya.

Kapwa umamin sina Sheila Snow at Cess Garcia sa ginanap na mediacon ng Linya noong Biyernes, June 7, 2024, sa Viva Boardroom sa Tektite East Tower sa Ortigas Center, Pasig City.

Nung nag-out si Cess na isa siyang bisexual, ang naging reaksiyon ni Sheila ay, "Sabi ko na, e!"

Kaya natanong si Sheila tungkol dito.

“Naramdaman ko po. Proud bisexual po ako, out po ako na bisexual,” ang nakagugulat na bulalas ni Sheila.

“Sa inyo po ako nag-out, sa media po talaga, sige po,” dagdag pang sinabi ni Sheila.

Read:

Rikki Mae Davao shares coming out story on TV for the first time

Retired colonel comes out as gay in obituary

Raymond Gutierrez feels liberated after coming out: "I felt free."

shiela snow comes out as bisexual
Shiela Snow comes out as bisexual.
Photo/s: @iamshielasnow on Instagram

IS SHIELA SNOW IN A RELATIONSHIP?

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheila kung may girlfriend siya ngayon.

“Wala po.”

Nagkaroon na siya ng girlfriend?

“Opo. Pasok ba sa girlfriend iyon or fling!”

May intimacy sila?

“Opo!”

Pagpapatuloy pa ni Sheila, “Honest ako dun kasi mahirap na if makikita ka in public tapos magde-deny ka rin.”

SHIELA SNOW'S MESSAGE FOR THOSE WANT TO COME OUT

At dahil Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, nahingan si Sheila ng mensahe para sa mga natatakot mag-come out bilang gay or lesbian.

“Sa lahat ng mga natatakot, kasi hindi ako natakot, e,” at natawa si Sheila, “Ang masasabi ko lang sa mga natatakot, actually mahirap, mahirap sabihin na, ‘Okay lang iyan. Kasi 2024 na ngayon, e.’

“Pero kung ayaw niyo pong mag-out, wala pong… ah, okay lang din naman po kasi as long as wala kayong tinatapakan na tao at okay yung ginagawa niyo sa surroundings niyo, sa society, meron tayong naitutulong para sa isa’t isa.

”And iyon lang, na as long as maging mabait ka sa kapwa mo."

Ibinahagi rin ni Sheila kung paano siya nag-come out bilang bisexual.

"Kasi ako, nag-out ako sa Facebook page, nabasa ni Mama, kasi yung kapatid ko po bakla, e.

"So nabasa ni Mama, ni-like niya po yung post ko. Years ago na yun, tapos nag-chat siya sa akin, ‘Kumusta ka na?’

“So parang nakakatakot po yung tanong, so parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya na po tinanong sa akin na, “Bi ka? Bakit ka bi?’

“Hindi po, siguro dahil suportado siya sa kapatid ko na bakla,” ang nakangiting kuwento pa ni Sheila.

Available na for streaming ngayon sa Vivamax app ang Linya kung saan ang mga male lead stars ay sina Anthony Davao, Chester Grecia, at VJ Vera, sa direksiyon ni Carlo Alvarez.

Read: Ricky Davao, suportado ang sexy image ng pamangking si Anthony Davao

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shiela Snow, one of the main stars of VIVAMAX movie Linya, is bisexual.
PHOTO/S: @iamshielasnow on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results