Masaya ang Vivamax actress na si Angela Morena na makatrabaho sa unang pagkakataon ang direktor na si Dado Lumibao para sa Butas, ang bagong pelikula ng naturang streaming platform.
Lahad ni Angela sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang dami kong na-discover at natutunan.
"Isa yun sa ano... dahil writer siya, siya yung nagsulat nito, talagang very strict siya pagdating sa dialogue and everything.
“E, ako as an actor, mahilig akong mag-adlib. Pero since itong Butas, it’s a teamwork, it’s a collaboration, at sobrang natuwa ako kasi si Direk Dado sobrang taas ng respeto niya pagdating sa mga Vivamax actors.
“Hindi lang sa amin pero kinukuwento niya, sinasabi niya, ‘Ang taas ng respeto ko sa inyo!’”
Nakilala si Direk Dado bilang writer at direktor ng mga romance at drama projects sa ABS-CBN, at una niyang Vivamax project ang Butas.
Read:
- Vivamax, ano ang ambag sa entertainment industry?
- Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
ANGELA MORENA ON SEXUAL HARASSMENT AND DARING PROJECTS
Dahil daring and sexy ang proyektong Butas (mabilis ang pagkakabigkas bilang pang-uri), natanong si Angela kung ano ang opinyon niya tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon, ang sexual harassment.
Lalo pa nga at sa genre ng kanyang mga proyekto, kadalasan ay mga may mapangahas na eksenang ipinagagawa kay Angela.
“Well, for me naman po, I am trained to work professionally,” pahayag ni Angela.
“And as long as you can protect yourself, protect yourself.
“Kasi walang ibang magpoprotekta sa iyo kundi ang sarili mo.
“And respeto.”
Noong baguhan pa lamang si Angela ay kita ang pagiging mahiyan pa nito. Pero sa ngayon, naroroon na ang confidence niya bilang isang Vivamax actress.
Iyon ba ay nangangahulugan na mas madali na para sa kanya ang gumawa ng mga daring na projects at characters?
“The answer is no,” at napatawa si Angela.
“Hindi po talaga madali at every time na nagkakaroon ako ng project or ng bagong character na nakikilala, andun pa rin yung kaba.
“And hindi ko magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa production, sa direktor, and especially Viva.”
ANGELA MORENA REFLECTS ON BUTAS
Dahil Butas ang titulo ng kanilang proyekto, tinanong namin si Angela kung ano ang pumapasok sa isip niya kapag naririnig niya ang salitang “butas.”
Nagkaroon na ba ng importansiya sa buhay niya ang salitang ito?
“Siguro po for me, butas is kulang? Or the feeling of being misunderstood.
"Kasi alam naman natin na no one is perfect, lahat tayo may butas sa pagkatao natin.
“And nasa atin kung paano natin siya tatanggapin at kung paano natin hahanapin yung kulang na iyon sa tamang paraan.
“Kasi yung character ko dito sa maling paraan niya hinanap, e.
“At doon kayo magkakaroon ng question pagdating sa moral niya at sa character niya.
“So iyon, kulang and misunderstood.”
Ano ang “butas” sa buhay at pagkatao niya bilang si Angela?
“Hindi ko po ano, e… siguro yung butas sa buhay ko is yung isa akong Vivamax actor.
"Na yung sinasabi na yung mga Vivamax actors, na gumagawa ng sexy films, ganito silang klaseng tao.”
May iba kasi na mababa ang tingin sa mga sexy stars, at may dala pa ring stigma ang pagbibida sa sexy films ngayon.
“Pero hindi nila alam o hindi nila naiintindihan kung ano nga ba yung dahilan ko kung bakit ako nandito, kung bakit ko ito ginagawa.
“Na hindi ako katulad o hindi ako ganung klaseng tao na iniisip nila,” seryosong sinabi pa ni Angela na nakausap namin sa media conference ng Butas noong Agosto 27, 2024, sa Viva Boardroom ng Tektite Tower sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Gumaganap si Angela bilang si Mayette, at kasama niya sa Butas sina Albie Casiño bilang Noel, JD Aguas bilang Benjie, at Angelica Hart bilang Kayla.
Ang Butas ay available na for streaming sa Vivamax.
