GORGY RULA
Hindi nao-offend ang mga taga-Viva Films, lalo na ang nasa Vivamax, sa mga negatibong komento sa naturang streaming service.
Nakikita naman kung gaano kabilis ang pagdami ng subscribers nito, na sa loob ng tatlong taon ay umabot na ito ng 11 million subscribers.
Read: Vivamax, ipinakilala ang bagong aabangang sexy stars
Sa media conference na ginanap sa Viva Café ngayong Huwebes, Mayo 16, 2024, sinabi ni Vincent del Rosario na hindi nila akalaing tatangkilikin ng mga kababayan natin, pati sa ibang bansa, ang Vivamax.
Aware daw sila sa sinasabi ng iba na kontra sa Vivamax.
Ang ibang artista ay tila nandidiri sa naturang streaming service. May ibang nagsisimula pa lang na artista na sinasabing okay lang magpa-sexy, pero huwag lang sa Vivamax.
Napangiti na lamang si Vincent.
Aniya, “Sa amin, we take it lightly. Happy kami na napapansin na yung platform.
"Sabi nga namin minsan, biru-biruan namin among the family, na ang Vivamax, para nang Colgate pagdating sa toothpaste.
“Naging part na siya ng pop culture. So, yun, hindi mo mabibili. Ito ay natural na naisip ng mga tao.
“Parang ang Vivamax is equivalent to mature content. Okay naman.”
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Hindi naman daw sa ipinagyayabang ng taga-Viva. Hindi lang sa Vivamax kundi may mga pinauso pa raw sila noong sinundan na rin ng iba.
Sabi ni Vincent, “No. I mean in the past, di ba? Nagkaroon kami ng Viva Hotbabes na yun naging synonymous sa mga artistang aming pinapalabas. We’re okay naman.
“Nakita naman natin na most of the Hotbabes are still here… mainstream.
“I guess it’s a testament of yung transition ng mga artist from medyo risqué into mainstream kasi talent ang basehan ng aming pagpili. Tatagal sila,” saad nito.
Read: Viva Hot Babes member Andrea del Rosario reacts to Vivamax sexy stars
Panahon ng pandemic pumasok ang Vivamax na tamang-tama, hindi nakakalabas ang mga tao para manood sa mga sinehan.
Kaya naisip daw nila itong streaming platform na sumabay sa mga malalaki at sikat na streaming service kagaya ng Netflix, Amazon Prime, at iba pa.
Read: Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, initial offering ng VIVAMAX
“Natiyempo. At the same time yung paghanap namin yung niche namin sa pagdating sa streaming. Kasi siyempre hindi naman kayang labanan ang mga malalaking international platform.
“Naghanap lang kami… si Boss Vic, ng parang a little corner na kung saan ma-appreciate din ang ating content,” sabi pa ni Vincent.
JERRY OLEA
Kahit hindi maganda ang tingin ng iba sa Vivamax, tinanong ng PEP Troika si Vincent del Rosario kung ano ba ang naiambag ng Vivamax sa entertainment industry ng ating bansa.
Ani Vincent, “I think yung ano… for the past three years, we produced 200 movies. Almost nobody else was producing content for the platform.
“Top directors have been coming to us. It’s a progress. Marami kaming nagawang projects.
"Maraming young directors na hindi nabigyan ng opportunity sa mainstream, dahil walang nagpo-produce, nabigyan ng opportunity sa amin.
“Ang mga artistang ito, nagkaroon sila ng chance para maipakita yung talent nila. And hopefully yung may talent, mag-stay. Yung hindi, yun lang nagawa na nila yung kanilang dream.”
Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
Kabilang sa mga premyadong direktor na nagdirek sa Vivamax sina Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Brillante Mendoza, Mac Alejandre, at Adolf Alix Jr.
Ang huling Vivamax movie na nakalagay sa credits ang pangalan nina Valerie del Rosario, June Torrejon-Rufino, Vincent del Rosario III, at Vic del Rosario Jr. ay ang Salawahan na nag-streaming umpisa Pebrero 2, 2024.
Bida sa Salawahan sina Angeli Khang, Albie Casiño, Sheila Snow, Van Allen Ong, at Itan Rosales.
Idinirek ito ni Jeffrey Hidalgo, mula sa panulat ni Raquel Villavicencio.

Ngayong 2024 ay wala nang series na ipinapalabas sa Vivamax.
Marami-rami sa mga pelikulang handog nila this year ay 45 minutes more or less ang running time.
Totoo ba na PHP3M ang budget ng mga pelikulang iyon, na karaniwang three days sinu-shoot? Totoo rin ba na merong Vivamax project na naprodyus sa budget na PHP1.5M?
Kabilang sa 2024 Vivamax movies na less than one hour ang running time ang Room Service, Dilig, Takas, Salisihan, Kalikot, Kasalo, TL, Cheaters, Wanted: Girlfriend, Red Flag, Late Bloomer, Lady Guard, at Dirty Ice Cream.
Ang pinakamahabang Vivamax movie this year ay Kabit (na noong una’y Kabitan ang pamagat), kung saan bida si Angela Morena, at nag-prosthetic penis sina Victor Relosa at Joseph Elizalde.
Ang running time nito ay 2 hours and 3 minutes, at maraming eksena rito si Victor na na-edit out. Idinirek ito ni Lawrence Fajardo.
Read: Victor Relosa na-weirduhan sa paggamit ng prosthetic sa pelikula
Ang Top 10 ngayon sa Vivamax — Dirty Ice Cream, Putahe, Katas, Late Bloomer, The Escort Wife, Lady Guard, Wanted: Girlfriend, Salamat Daks, Mahjong Nights, at Kinsenas Katapusan.
NOEL FERRER
Ngayong umabot ng 11 million subscribers ang Vivamax, parang 10 percent na ito ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Pero sabi ni Valerie del Rosario, 80 percent nito ay mga Pinoy, at ang 20 percent sa ibang bansa.
Dagdag na pahayag ni Vincent del Rosario, “Ngayon nakikita namin that we’re appealing to… yung mainstream audience in different territories.
“In Indonesia, we started incorporating Bahasa subtitles. I think, we’re close to a million subscribers din, locals na hindi Filipino.
“Meron sa Malaysia, Singapore, sa UK, and of course nagulat kami may India pa, e.
“I think yung content is resonating beyond our kababayans. So, I think parang ano yun, testament dun sa magandang kuwento na isi-share natin.
"Beautiful ladies na nandun, and of course may male talents din na… happy kami dahil, yun it’s beyond what we expected.”
Sana, maiangat pa ng Vivamax ang kalidad ng ganitong genre films! All the best!
