VIRAL: Bride at groom, PHP5K lang ang gastos sa kasal

by Bernie V. Franco
Aug 4, 2022
wedding
Bride Geejen Berlin Monreal: "Kung mahal mo at sure ka, pakasalan mo na, no ifs and no buts."
PHOTO/S: Facebook (Jiony Jan Macabuhay)

Walang babaguhin si Geejen Berlin Monreal sa kasal nila ng asawang si Jiony Jan Macabuhay na PHP5,000 lamang ang total expenses.

At hindi dahil wala silang budget.

Si Geejen, 29, ay isang pharmacist habang si Jiony, 30, ay isang software engineer.

Paliwanag ni Geejan sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong August 2, 2022, maliit lang ang inilaan nila sa kanilang kasal dahil may mas malaki silang pinaghahandaan.

“We focused to secure our future po,” ani Geejen.

Naging viral ang kanilang pagpapakasal, na tinawag ng mga netizens na “practical wedding.”

Post ni Jiony noong July 31, “Saan aabot ang 5k pesos mo,” kalakip ang mga larawan sa civil wedding nila ni Geejen.

Ang totoo, noon pang October 25, 2021, ikinasal ang couple na ito mula sa Antipolo City, pero kamakailan lang nila naisipang i-post.

Paliwanag ni Geejen: “Marami pa po kaming inasikasong plans. We waited for the perfect timing. Yung parehas na po kaming hindi preoccupied ni husband.”

weddingPaliwanag ni Geejen: “Marami pa po

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BREAKDOWN OF EXPENSES

Hiningi ng PEP.ph kay Geejen ang breakdown ng PHP5,000 na ginastos nila sa kasal.

Ang civil registry ay tinatayang PHP390; ang wedding rings ay PHP999; ang food ay PHP2,500; at ang certificate for no marriage record ay PHP890.

Kung pagbabatayan ang expenses na nabanggit, ang total ay P4,779 lamang.

Sa PHP2,500 na budget labing-isa na ang nakakain: ang bride at groom, ina at sister ng bride, ina at sister ng groom, dalawang ninong, isang ninang, lolo, at lola.

Ani Geejen, “The wedding dress is a gift from my mother which we bought second-hand on Facebook Market Place, kasi wala na po available size ko sa mismong store."

Ang reception ay ginawa sa isang pares business na pagmamay-ari ng kapatid ng groom, ang Ellen’s Best Pares in Town sa Antipolo.

mukbang

Ang budget nila sa reception ay PHP2,500 at 11 ang nakakain.

PRACTICALITY FOR A BETTER FUTURE

Kadalasan ay pinagkakagastusan talaga ng ikakasal ang kanilang wedding, pero mas pinili nilang magtipid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad ni Geejen, “Me and my husband agreed to have a simple and intimate wedding.

“Gaya nga ng sabi nila, kung mahal mo at sure ka, pakasalan mo na, no ifs and no buts. Communication is always the key.”

Dugtong pa niya, “Our main goal is to get married lang talaga and we focused more on our future plans after wedding.

“Mas pinaglaanan po namin ng effort magplano on what's next after the wedding, our marriage.”

Ano ang “pinaglaanan” nina Geejen at Jiony?

“Investments po and savings for our future children,” sagot ni Geejen.

bride

Ang wedding dress ni Geejen ay second-hand at regalo ng kanyang nanay.

Ipapayo ba ni Geejen ang praktikal na pagpapakasal?

Sagot niya, “Para sa akin po, regardless naman po if magpakasal nang practical or extravagant… nasa couple naman po iyan nagde-depend.

“Because at the end of the day, it is a once in a lifetime event and ang importante is masaya kayo on that day at nagmamahalan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Also Read:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bride Geejen Berlin Monreal: "Kung mahal mo at sure ka, pakasalan mo na, no ifs and no buts."
PHOTO/S: Facebook (Jiony Jan Macabuhay)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results