Ngayong araw, November 15, 2022, ang ika-sampung taong anibersaryo ng kasal nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
Sa Instagram, isang mapusong mensahe ang ibinahagi ni Zoren para sa asawang si Carmina.
Pangako ng aktor kay Carmina, kahit ano pa mang mga balakid ang susuungin nila sa kanilang tatahaking landas bilang pamilya, safe na safe raw ang asawa sa kanyang mga bisig.
Buong mensahe ni Zoren (published as is), “Happy 10th Year Anniversary to us today my Muffin @mina_villarroel [hearts emojis] it doesn’t matter how many rough waves we will encounter.. just hang on tight…
"YOU ARE FOREVER SAFE IN MY ARMS…with Gods Mercy of course [hearts emojis] #happyanniversary #anniversary #couplegoals #forever arf arf [hearts emojis]”
View this post on Instagram
Tugon ni Carmina sa comments section (published as is), “Thank you Tatay @zoren_legaspi Thank you for your love. [heart emoji] Arf Arf!”
Sagot ni Zoren, “@mina_villarroel [hearts emojis] never doubt [hearts emojis]”

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng istorya ng on-the-spot wedding proposal at mismong kasalan nina Zoren at Carmina noong November 15, 2012.
Naganap ito sa bagong gawang events place noon, ang Fernbrook Gardens, Portofino, sa New Alabang, Muntinlupa City.
Isang lady judge ang nag-officiate sa civil wedding ng dalawa.
11 years old na noon ang kambal nilang sina Mavy at Cassy Legaspi.
