Apat na taon na ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza nitong Miyerkules, December 21, 2022.
Sa kani-kanilang Instagram account, inihayag ng dalawa ang pagmamahal nila sa isa't isa. .
Simple ang naging pagbati ni Maine kay Arjo.
Nag-post siya ng black-and-white photo nilang magkasama habang nakahalik sa kanyang ulo ang nobyo.
Maikling caption ni Maine, "Happy fourth [heart emoji]."
Nag-post din si Arjo ng pagbati para sa kanilang ika-apat na anibersaryo.
Makikita sa kanyang post ang throwback photo nila ni Maine kuha noong sila'y nagbakasyon sa Paris France.
Caption niya, Happy fourth, my baba!
"Thank you for everything that you do and for everything that you are."
Dagdag pa niya, "I love you."
ARJO-MAINE RELATIONSHIP
Bago maging magkarelasyon ay unang nagkatrabaho sina Arjo at Maine sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Dito rin simulang mapansin ng kanilang mga fans ang special closeness nila sa isa't isa..
August 2018 nang namataan si Arjo na present sa isang brand event na ineendorso ni Maine.
Hanggang sa noong October 2018, lumabas ang PEP Scoop kung saan naispatan na magka-date ang dalawa sa isang restaurant sa Makati City.
Read: Kapuso star Maine Mendoza, Kapamilya actor Arjo Atayde spotted at Makati resto
Noong December 21, 2018 nang maging opisyal silang magkasintahan.
July 29, 2022, nang ianunsyo ni Maine sa Instagram na engaged na sila ng nobyong si Arjo, matapos ang tatlong taon at pitong buwan nilang magkasintahan.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged
Magkasama rin silang lumipad patungong Paris, France noong November 5, 2022, para ipagdiwang ang ika-32 kaarawan ni Arjo.
Read: Arjo Atayde celebrates his birthday with fiancée Maine Mendoza in Paris
November 30, 2022, nang ipakilala ni Arjo si Maine sa pamilya ng kanyang inang si Sylvia Sanchez.
Kung saan ay personal na nakilala ni Maine ang Lola Rose at ang mga tito at tita ni Arjo.
Read: Arjo Atayde finally introduces fiancée Maine Mendoza to his maternal grandmother
Samantala, sa comment section ng kanilang mga post ay dumagsa ang pagbati ng kanilang mga fans, kaibigan, at co-stars .
Kabilang na sa mga nagkomento sina Kaye Abad, Joseph Marco, Isabel Oli, at MJ Lastimosa.
