PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dimples Romana greets best friend Ange...

Dimples Romana to Angel Locsin: "Mahal kita lagi lagi. Dito lang kami."
by Arniel C. Serato
Published Apr 24, 2023
Dimples Romana's birthday message for best friend Angel Locsin
Dimples Romana (left): "I know many of us love you, and so many of them you have helped, loved, saved and given to over the many years, so if you are one of those please do greet my dearest @therealangellocsin a happy birthday today and say a prayer of love and celebration as she turns over another fruitful and sweet year of life!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ipinagdiwang ng actress-philanthropist na si Angel Locsin ang kanyang ika-38 kaarawan kahapon, April 23, 2023.

Pero, missing in action pa rin si Angel sa mga mata ng publiko.

Ang kanya namang best friend na si Dimples Romana ay may nakatutuwang pagbabalik-tanaw sa isang lumang picture nila ni Angel na kuha sa isang charitable event may ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Dimples, malamang na hindi mababasa ni Angel ang kanyang mensahe dahil naka-social media leave pa rin ito.

Mensahe ng Kapamilya actress: “Maligayang kaarawan to my bestfriend [heart emoji]

“Malamang Di mo naman to mababasa [laughing emoji] kaya I kwento ko na lang sayo when I see you when I get back from Cebu but at this point I’m not posting this para makita mo, I’m posting this para makita nila.”

Nais ipaalala ni Dimples sa mga taong nagmamahal at natulungan ni Angel na maalala ng mga ito ang kaarawan ng aktres para naman mabati nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilambing din niya ang asawa ni Angel na si Neil Arce na ihalik na lamang siya nito.

Saad ni Dimples, “At maipaalala sa kanila na kaarawan ng isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon [heart emoji]

“and I know many of us love you, and so many of them you have helped, loved, saved and given to over the many years, so if you are one of those please do greet my dearest @therealangellocsin a happy birthday today and say a prayer of love and celebration as she turns over another fruitful and sweet year of life!

“hahaba pa kaya sa pagkikita na lang natin, mahal na mahal na mahal kita!
@neil_arce paki-kiss sakin. See you soon! Love you both!”

Kuwento naman niya tungkol sa old photo nila, “Photo taken when we cooked for the kids at @sosphilippines Ikaw ang naghiwa, nagluto tayo, nagbuhat, naghugas at nakikain [laughing emoji]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa bestfriend kong Walang kaarte arte sa katawan, para sa lahat ng sakripisyo mo at tulong mo sa nakararami kasama na ang mga tao at pamilya kailanman ay Di mo pa nakikilala, sa puso mong Walang pinipiling tulungan at mahalin, punuin sana ni Lord ng Saya lagi yan. Mahal kita lagi lagi. Dito lang kami [heart emoji]”

Sa post na ito ni Dimples ay maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang mensahe para sa itinuturing nilang real-life Darna.

Mababanaag ding miss na miss na nila ang actress-philanthropist:

Netizens birthday greeting for Angel Locsin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Netizens birthday greeting for Angel Locsin

Netizens birthday greeting for Angel Locsin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 2022, umingay ang usapin tungkol sa pagiging hindi aktibo ni Angel sa social media kaya naman marami ang netizens ang naghanap sa kanya.

Wala pa ring paramdam ang aktres sa Instagram at sa iba pa niyang social media accounts niya mula pa noong August 13, 2022 o halos siyam na buwan na ang nakalilipas.

Read: Netizens ask: Where is Angel Locsin?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana (left): "I know many of us love you, and so many of them you have helped, loved, saved and given to over the many years, so if you are one of those please do greet my dearest @therealangellocsin a happy birthday today and say a prayer of love and celebration as she turns over another fruitful and sweet year of life!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results