Tinatanong ng mga tagahanga at netizens kung nasaan ngayon ang aktres na si Angel Locsin.
Wala kasing paramdam ang aktres sa Instagram at sa iba pa niyang social media accounts mula pa noong August 13, 2022 o halos tatlong buwan na ang nakalilipas.
Ang huling post ng aktres ay ang biyahe nila ng asawang si Neil Arce sa Segovia, Spain.

Mula noon, hindi na nagparamdam pa si Angel sa kanyang Instagram.
Sa huling post ni Neil nitong nakaraang October 21, 2022, mababasa sa comments section na hanggang ngayon ay may nagtatanong kung nasaan nga ba ang asawa niya.
View this post on Instagram
Bigla na lamang daw kasi itong nag-disappear. May nakakatawa pang tanong ang isang netizen kung naghiwalay na raw ba sina Neil at Angel.


Samantala, hinanap din ng netizens si Angel nang nanalasa ang Bagyong Paeng sa bansa nitong October 29.
Kilala kasing matulungin at mabilis kumilos ang actress-philantropist tuwing may kalamidad o maging nitong pandemya.
Saad ng isang nagkomento, “Pag ganitong sakuna alam ko po nangunguna Po kau sa pagtulong sana wag Po kau mpagod sa pag tulong salamat po”

May humihingi rin ng tulong mula sa Mindanao na labis din ang pinsalang natamo dahil sa bagyo.
Ayon sa isang netizen, “Hello po maam angel. PLS HELP US IN COTABATO AND MAGUINDANAO [crying emojis] MADAMI NA PONG NAMAMATAY. TULUNGAN NIYO PO KAMI [crying, broken heart emojis]”

Sambit ng isa pa, “Ms ANGEL, PLS HELP US HERE IN ZAMBOANGA CITY. BINABAHA NAPO LAHAT NG AREAS DAHIL SA BAGYONG PAENG. PLEASE HELP US PO USING YOUR PLARFORMS. WE NEED RESCUE TEAMS AND GOODS LIKE CLOTHES AND FOOD. THANK YOU PO!!! [crying emojis]”

Umaasa naman ang marami na nasa mabuting kalagayan ang aktres.
Saad ng netizen, “Hope you are in good health and everything is fine. [heart emoji]”

Walang sinagot sina Neil at Angel sa mga tanong ng netizens sa kanila.
