Mapuso ang birthday message ni Ryzza Mae Dizon, 17, kay Bossing Vic Sotto sa ika-69 kaarawan ng comedian-TV host gayong Biyernes, April 28, 2023.
Read: Pauleen Luna to Vic Sotto on his 69th birthday: "My heart still beats fast for you, my love"
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Ryzza ang pictures nila ni Vic mula noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.
Si Ryzza ay nagsimula sa Eat Bulaga! matapos siyang hiranging "Little Miss Philippines 2012."
Read: Little Miss Philippines 2012 Ryzza Mae Dizon celebrates birthday in 'Eat Bulaga!'
Hangad ng tinagurian noong "Aling Maliit" ang magandang kalusugan at marami pang grasyang darating para kay Vic.
Buong mensahe ni Ryzza: “Happy happy birthday po Bossing!! Thank you po sa lahat lahat!
“More birthdays, happiness, good health, and blessings po sainyo. We love you po bossing! God bless you more po.
“Mwah mwah tsup tsup!
“favorite pics with Bossing #throwback”
Ang pagbati at pasasalamat ni Ryzza kay Vic ay mas naging makahulugan pagkatapos ng rebelasyon ni former Senate President Tito Sotto sa PEP Exclusives na nais daw tanggalin ang dating child star sa longest-running noontime show.
Ayon kay Tito, ito ang plano ng may-ari ng TAPE Inc. na si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos kasabay ng mga pagbabagong gusto nilang ipatupad sa Eat Bulaga!.
Pahayag ni Tito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “He wanted to remove itong si Ryzza. Gusto, palitan ng ibang bata na taga-Dipolog.”
Pero hindi raw pumayag sina Tito, Vic, at Joey de Leon.
Sabi pa niya, “Pag-usapan muna namin yun. Pag-usapan muna natin.
“Kung isang bata lang naman, okay lang, pero huwag niyo nang alisin si Ryzza, oo naman daw.
“Kasi yung gusto nilang i-promote na bata, puwede ngang matulungan ni Ryzza yun, e, di ba?
“Puwedeng maging ka-tandem, para mas madaling sumikat, kung gusto nilang sumikat.”
WATCH:
