PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas pens sweet birthday message to Miles Ocampo

Elijah to Miles: "I'm blessed to call you mine."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 2, 2023
Elijah Canlas pens sweet birthday message for girlfriend Miles Ocampo
Elijah Canlas to girlfriend Miles Ocampo: "You’re a blessing to this world — and i’m blessed to call you mine."
PHOTO/S: Elijah Canlas

Short but sweet ang mensahe ni Elijah Canlas, 22, sa kaarawan ng kasintahang si Miles Ocampo.

Nitong Lunes, May 1, 2023, nagdiwang ng ika-26 kaarawan si Miles.

Sa Instagram, inihayag ni Elijah kung gaano niya kamahal ang nobya, kalakip ang ilang sweet pictures nilang magkasama.

Sabi ng award-winning actor, isang inspirasyon si Miles.

Masaya at lubos daw ang kanyang pasasalamat na dumating ito sa kanyang buhay.

Mababasa sa caption ni Elijah (published as is): "Witnessing your growth has been such an inspiration.

"I’m grateful i get to share this journey with you, camille.

"You’re a blessing to this world — and i’m blessed to call you mine."

Dagdag pa niya, "Happy birthday, my love!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost din ni Elijah sa kanyang Instagram Stories ang ilang kuhang litrato at video nila ni Miles.

Makikita sa unang picture na nakapasan si Miles sa likod ni Elijah habang sila ay naglalakad.

Elijah Canlas pens sweet birthday message for girlfriend Miles Ocampo

Sa video naman, spotted ang paghahalikan ng dalawa habang sila'y nasa dagat.

Elijah Canlas pens sweet birthday message for girlfriend Miles Ocampo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pagbati ng mga fans at kapwa-artista nina Elijah at Miles.

Marami ang kinilig sa madamdaming pagbati ng aktor sa Eat Bulaga! host na si Miles.

Kabilang sa mga nagkomento sina Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Kokoy de Santos, at Charlene Gonzalez.

Elijah Canlas pens sweet birthday message for girlfriend Miles Ocampo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Elijah Canlas pens sweet birthday message for girlfriend Miles Ocampo

ELIJAH-MILES RELATIONSHIP

Mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Miles at Elijah.

Read: Elijah Canlas at Miles Ocampo, two years and going strong

Nagsimula ang kanilang espesyal na relasyon matapos nilang magtambal sa TV5 drama series na Paano Ang Pangako? na umere sa telebisyon noong November 2020 hanggang April 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong May 1, 2022, sa mismong kaarawan din ni Miles, una nilang isinapubliko ang kanilang pagmamahalan.

Read: Are Miles Ocampo and Elijah Canlas in relationship?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Elijah noong March 2023, sinabi niyang masayang masaya siya sa piling ni Miles.

Lubos din daw ipinagpapasalamat ng aktor na nakahanap siya ng nobyang sinusuportahan siya sa anumang gusto niyang gawin sa buhay.

Proud din niyang sinabi na hindi sila kagaya ng ibang magkarelasyon sa showbiz na naghihilahan pababa.

Sabi ni Elijah, “Masaya lang. Masayang-masaya lang, and especially kung nagtutulungan kayo sa trabaho.

“Kasi nobody knows our job more than each other, e. Kasi we’re both actors, we’re both artists.

“And siya, mas nandun siya sa mainstream side, yung nae-experience niya her whole life. Ako naman, nandun sa art side, sa indie side.

“So siya, gusto niyang i-explore ang indie. Ako, gusto kong i-explore yung mainstream. So, nagtutulungan po kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas to girlfriend Miles Ocampo: "You’re a blessing to this world — and i’m blessed to call you mine."
PHOTO/S: Elijah Canlas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results