PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Catriona Gray's B-Day Message for Sam Milby

Catriona to Sam: "Another year older, but you seem to be getting younger?!"
by Arniel C. Serato
Published May 23, 2023
Catriona Gray's birthday message to Sam Milby
Miss Universe 2018 Catriona Gray greets fiancé Sam Milby on his 39th birthday via social media today, May 23, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Isang maiksi ngunit touching birthday message ang ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, 29, para sa kanyang fiancé na si Sam Milby.

Ipinagdiriwang ni Sam ang kanyang ika-39 kaarawan ngayong Martes, May 23, 2023.

Sa Instagram at Facebook, nag-post si Catriona ng sweet moment nila ni Sam na kuha sa isang bakasyon nila sa ibang bansa.

Alam daw ni Catriona na hindi mahilig mag-celebrate si Sam ng kanyang birthday, pero mahalaga raw sa beauty queen na ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.

Buong caption ni Catriona, “Another year older, but you seem to be getting younger?! I know you hate celebrating your birthday, but I love celebrating you. [smiling face with three hearts emoji] Happiest birthday [panda face emoji] @samuelmilby I love you so much! [heart emoji]”

Ibinahagi naman ito ni Sam sa kanyang Facebook account.

Caption lang niya ay red heart emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UPCOMING WEDDING

Inaabangan na ngayon ng mga tagahanga ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa isang panayam kay Sam last February 2023, nakangiting sinabi na si Catriona na ang nais niyang makasama habambuhay.

Sabi niya, "Yes, I do believe so."

Pangako pa niya noon na kapag siya ay magpu-propose sa girlfriend ay titiyakin niyang masusorpresa ito.

At hindi naman daw nila ipagdadamot sa publiko at kaagad nilang ipapaalam ang kanilang engagement.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung lampas na ba siya sa kanyang ideal age para mag-asawa, sabi ni Sam: "You have to be ready na life never goes the way you planned it.

"Yung sinabi ko dati, my ideal age was 35 to get married. Lahat ng mga kaibigan ko may asawa at anak na.

"And it's not because of that na I should be pressured na mag-asawa. No.

"I think the right time is worth the wait."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Sam Milby and Catriona Gray secretly married? Sam speaks up

At noon ngang February 16, 2023, sabay na inanunsiyo nina Sam at Catriona sa pamamagitan ng social media ang kanilang enagement.

Hindi nga nila ito ipinagdamot sa publiko.

Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby are now engaged

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray greets fiancé Sam Milby on his 39th birthday via social media today, May 23, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results