PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Volleyball stars Deanna Wong, Ivy Lacsina celebrate first anniversary

Ivy Lacsina: "365 days with you."
by Arniel C. Serato
Published Jun 14, 2023
Deanna Wong, Ivy Lacsina celebrate 1st anniversary
Volleyball players Deanna Wong (left) and Ivy Lacsina (right) formally made their relationship public after posting anniversary message on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ipinagdiwang ng professional volleyball players na sina Deanna Wong and Ivy Lacsina ang kanilang unang anibersaryo bilang couple.

Si Deanna ay naglalaro para sa koponang Choco Mucho Flying Titans, samantalang si Ivy ay kabilang sa F2 Logistics Cargo Movers.

Sa Instagram nitong nakaraang June 5, 2023, nagbahagi si Deanna ng mga larawan nila ni Ivy na nagdiwang ng isang espesyal na okasyon.

Caption lang ni Deanna, “Year 1 [sparkles, dizzy, heart emojis]”

Deanna Wong post on anniversary with Ivy Lacsina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang panig, nagbahagi naman si Ivy ng video at photo collage ng mga masasayang pinagsamahan nila ng partner.

Saad niya sa caption, “365 days with you [sparkles emoji]”

Ivy Lacsina post on anniversary with Deanna Wong

Maraming fans nila ang kinilig sa kani-kanilang posts.

June 11, 2022, umamin si Deanna sa panayam sa kanya ni Karen Davila na miyembro siya ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Volleyball superstar Deanna Wong admits to being a member of "LGB" community

Nagsimulang magpakilig sa netizens at volleyball fans sina Deanna at Ivy dahil sa sweet birthday message ng huli sa una noong July 18, 2022.

Ipinagdiwang noon ni Deanna ang kanyang ika-24 na kaarawan.

Read: Deanna Wong receives sweet birthday message from rumored GF Ivy Lacsina

Noong August 2022, muli silang nagpakilig dahil sa cozy photos nila na in-upload sa Instagram.

Pero, wala pang kumpirmasyon noon na may relasyon nga sila.

Read: Volleyball players Deanna Wong, Ivy Lacsina exchange sweet messages on Instagram

October 20, 2022, ipinagdiwang ni Ivy ang kanyang ika-23 kaarawan at siya naman ang binati ng rumored partner na si Deanna.

Tinawag pa siya nito “kaluguran daka.” Ang “kaluguran daka” ay salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay “I love you” o "Mahal kita."

Read: Volleyball star Deanna Wong tells rumored girlfriend Ivy Lacsina “I love you”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Volleyball players Deanna Wong (left) and Ivy Lacsina (right) formally made their relationship public after posting anniversary message on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results