Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Ara Mina sa Instagram ngayong araw, June 30, 2023, para sa second wedding anniversary nila ng asawang si Dave Almarinez.
Ayon sa actress-entrepreneur, isa sa kanyang pangarap ang maikasal hindi lamang sa isang taong totoong nagmamahal sa kanya kundi sa magiging “lifelong partner” niya.
Read: Ara Mina-Dave Almarinez wedding: Glittery, star-studded
Sabi ni Ara sa kanyang post, “Two years ago, one of my biggest dreams came true as I walked down the aisle and said ‘I do’ to the man who would not only love me unconditionally but also be my lifelong partner.
“Happy 2nd wedding anniversary to the love of my life, my bebe @davealmarinez Love you! [heart emojis]
“#AraMina #DaveAlmarinez #TeamDarve #AraandDaveWedding #AraMinaWedding”
View this post on Instagram
Ikinasal sina Ara at Dave sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, noong June 30, 2021.
Puno ng emosyon ang seremonya lalo na nang naglakad na papuntang altar ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses, na nasilbing little bride, at niyakap ang kanyang stepfather na si Dave.
Hindi rin napigilan ni Ara na maluha habang naglalakad papuntang altar.
Mga bigating pangalan sa pulitika, negosyo, at showbiz ang kabilang sa sampung pares ng mga ninong at ninang sa pag-iisang dibdib nina Ara at Dave.
Read: Ara Mina, Dave Almarinez now married
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara isang araw bago ang kanilang kasal, sinabi nitong siya ang panganay sa magkakapatid na babae ngunit siya ang huling ikinasal.
Kaya naman daw nag-ambagan ang kanyang mga kapatid para sa bridal gown niya na gawa ng fashion designer na si Leo Almodal.
Read: FIRST LOOK: Ara Mina stunning in her princess-cut wedding gown
Na-engage sina Ara at Dave noong January 2021.
Read: Ara Mina is now engaged to Dave Almarinez
Hanggang ngayon ay sinisikap ng mag-asawa na magkaroon ng sariling anak kahit abala sila pareho sa kani-kanilang trabaho.
Read: Ara Mina and Dave Almarinez launch holding company to help start-up entrepreneurs
