Ipinagdiwang ni Maymay Entrata ang kanyang ika-27 kaarawan kahapon, May 6, 2024.
Ipinanganak si Maymay noong May 6, 1997, sa Camiguin, pero lumaki siya sa Cagayan de Oro.
Read: Maymay Entrata: choosing success, choosing happiness
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maymay ang kanyang saloobin sa netizens.
Ayon sa Kapamilya singer-actress, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan noong 2023, na tinawag niyang isang "roller coaster ride."
Gayunpaman, nagpasalamat pa rin siya dahil nalagpasan niya ang lahat ng pagsubok na dumating.
Sabi ni Maymay, "Another year, another reason to be grateful and it’s all Glory to God! It’s been a roller coaster ride in this journey sa buhay ko this past year.
"May dumaan mang pagsubok, but God held my hand and assured me na if I seek Him first and His righteousness, everything will come into places."
Dagdag pa ni Maymay, maganda na ring nanumbalik ang pananampalataya niya sa Diyos na nakatulong upang mahubog ang kanyang pagkatao at love life.
"And once again, I became a witness of His grace and love sa life ko. I’m praying for constant peace, love, hope and joy in my life.
"My heart is full sa lahat ng mga bumati at babati. God bless us all. [heart emoji]"
View this post on Instagram
Read: Maymay Entrata downplays style icon tag: "Wala pa ko dun."
CELEBRITIES WISH MAYMAY A HAPPY BIRTHDAY
Maraming celebrities ang bumati kay Maymay sa comments section.
Kabilang dito sina Kim Chiu, Kyline Alcantara, Barbie Imperial, Darren Espanto, Alexa Ilacad, at Chie Filomeno.

Bumati rin kay Maymay sina Vivoree Esclito, Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Angeline Quinto, at Jayda Avanzado.

Gayundin sina Jaya, Jed Madela, at marami pang iba.

MAYMAY ENTRATA BREAKS UP WITH FOREIGNER BOYFRIEND
Nitong mga nakaraang buwan, nalaman ng netizens na hiwalay na si Maymay sa foreigner boyfriend nitong si Aaron Haskell.
Nag-unfollow na kasi sila sa isa't isa sa Instagram.
Read: Maymay Entrata, boyfriend Aaron Haskell unfollow each other on Instagram
Kasunod nito ang pagbahagi ni Maymay ng balitang siya'y muling nagbalik-loob sa Panginoon sa pamamagitan ng Favor church, isang Christian ministry.
