PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maymay Entrata on LDR with Aaron Haskell|assistant>

Maymay on Aaron: "Worth it po siya, kasi consistent po siya talaga."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 7, 2023
Maymay Entrata on relationship with Aaron Haskell
Maymay Entrata on boyfriend Aaron Haskell: "Worth it po siya, kasi consistent po siya talaga. Lagi niyang pinaparamdam sa akin yung suporta niya."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube/Maymay Entrata/Maymay Entrata Instagram

Hindi itinago ni Maymay Entrata ang sayang nararamdaman sa relasyon nila ng Canadian boyfriend niyang si Aaron Haskell.

Ito ay sa kabila ng magkalayo sila: nakabase sa Canada si Aaron, habang si Maymay ay nandito sa Pilipinas.

Sa panayam ni Maymay sa Magandang Buhay ng ABS-CBN nitong Lunes, June 5, 2023, ibinahagi niya kung paano nila hinaharap ni Aaron ang kanilang relasyon habang sila ay malayo sa isa’t isa.

Pag-amin ng Kapamilya singer-actress, “Sobrang hirap po ng LDR [long-distance relationship], hindi po talaga madali.

“Parang kung walang maturity sa relationship, hindi po talaga magwo-work yung LDR.”

Hanga raw si Maymay sa ipinapakita at ipinapadamang effort sa kanya ni Aaron.

Simula’t sapul ay consistent daw ito sa pagpaparamdam sa kanyang siya lang ang bukod-tanging babae sa puso niya, magkalayo man sila.

Saad ni Maymay, “Siya po ay sobrang consistent niya talaga na magbigay ng time.

“Sobrang OA [overacting] nito pero 24/7 kaming nagtatawagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit nagtatrabaho siya, nandiyan lang ako natutulog. Or ako nandito, siya natutulog.

“Hanggang mag-meet yung time namin saka kami mag-uusap or mag-movie.”

Mahirap man ang sitwasyon ng kanilang relasyon, masasabi raw ni Maymay na “worth it” si Aaron.

“Mahirap man pero worth it po siya, kasi consistent po siya talaga.

"Lagi niyang ipinaparamdam sa akin yung suporta niya.

“Yung peace sa puso ko na wala akong dapat ipag-alala sa kung saan man siya naroon, basta maging safe lang siya.

“Aside dun sa ibang bagay na may nababalitang pagseselosan, wala po talaga.”

Sa lahat din daw ng bagay na ginagawa ni Maymay ay nararamdaman niyang suportado siya ng nobyo.

Aniya, “Yung suporta din po niya sa trabaho ko, grabe po. Kunwari yung sayaw-sayaw kasama ibang lalaki, yung pa-sexy tapos magseselos siya, pero hindi po talaga.

“Grabe din yung nararamdaman ko na kapag may trust yung relationship, parang ang dali lang ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Lord din kasi, center Siya ng relationship namin. Ayon din yung isang bagay na nagustuhan ko sa kanya—yung faith and wisdom po niya."

Read: Maymay Entrata celebrates 26th birthday in ASAP Natin 'To with boyfriend Aaron Haskel

AARON DIDN'T KNOW AT FIRST THAT MAYMAY IS A SINGER-ACTRESS

Pagbabahagi pa ni Maymay, umpisa pa lang ay alam na niyang maganda at malinis ang intensiyon ni Aaron sa kanya.

Hindi rin daw niya sinabi noong una na siya ay artista rito sa Pilipinas, dahil ayaw niyang mabahiran ng kahit ano ang pagtingin ni Aaron sa kanya.

Kuwento ng "Amakabogera" singer, "Wala po talaga akong balak sabihin sa kanya [na artista ako dito sa Pilipinas].

"Pero kasi yung best friend ko kasi, nadulas siya kaya nalaman [ni Aaron].

"Uso kasi yung pillow na may mukha [ng artista], ipinakita sa kanya. Doon niya nalaman."

Dagdag pa ni Maymay, “Six months po yon na wala siyang alam talaga pero nanligaw na po siya nung time na yan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun ang maganda kasi hindi niya po alam."

Valentine's Day noong February 2022 nang buksan ni Maymay sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Aaron.

Nasa Canada noon si Maymay para mag-aral ng acting lessons at makasama ang nobyong nakabase roon.

Read:

Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, "Ipakilala mo naman sa akin."

Maymay Entrata reveals what she likes most about boyfriend Aaron Haskell

Sa panayam niya sa Star Magic Inside News noong June 8, 2022, ibinahagi rin ni Maymay ang mga katangian ni Aaron na nagustuhan at minahal niya.

Read: Maymay Entrata on boyfriend: "Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."

"Very mature na siya, sobrang madiskarte siya sa buhay, very mapagmahal sa family.

"Awww... Napaka-caring niya talaga, hindi lang sa salita, pati sa gawa.

"Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napu-fall, hindi lang sa umpisa.

"Oh my god! Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maymay Entrata calls boyfriend Aaron Haskell her “true love” on Valentine’s Day

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata on boyfriend Aaron Haskell: "Worth it po siya, kasi consistent po siya talaga. Lagi niyang pinaparamdam sa akin yung suporta niya."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube/Maymay Entrata/Maymay Entrata Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results