PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Klea Pineda pens sweet message for girlfriend Katrice Kierulf

Katrice Kierulf: "LUCKIEST GIRL IN THE WORLD!!!!!"
by Arniel C. Serato
Published Nov 4, 2024
Klea Pineda's birthday message to girlfriend Katrice Kierulf
Klea Pineda to girlfriend Katrice Kierulf: "Ang wish ko para sayo ay ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa para sa mga pangarap mo at sa kung anong makakapagpasaya sa puso mo. Parati mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo parati (no. 1 fan mo kaya ako)"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ipinagdiwang ng girlfriend ni Klea Pineda na si Katrice Kierulf ang kaarawan nitong noong November 1, 2024.

Kasalukuyang nasa Utah, USA, ang magkasintahan.

Sa Instagram, nagbahagi si Klea ng ilang larawan ni Katrice habang sila ay nagse-celebrate ng kaarawan ng nobya.

Ayon kay Klea, si Katrice ang dahilan kung bakit patuloy siyang nagsisikap para matupad ang kanyang pangarap sa buhay.

Hindi rin daw matatawaran ang ipinakitang suporta sa kanya ni Katrice.

Saad ng Kapuso star, "It's Katrice Day today!

"Bought her some flowers and took her out to dinner

"Hon, ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ako nagsusumikap maabot mga pangarap ko. Hon, maraming salamat sa walang katumbas na suporta na pinaparamdam mo sa akin."

Pangako ni Klea na lagi siyang nakasuporta kay Katrice sa mga pangarap din nito sa buhay.

Aniya, "Ang wish ko para sayo ay ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa para sa mga pangarap mo at sa kung anong makakapagpasaya sa puso mo. Parati mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo parati (no. 1 fan mo kaya ako)

"Happy Birthday, hon! I love you :)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)

Komento ni Katrice, "LUCKIEST GIRL IN THE WORLD!!!!!"

Dagdag pa niya, "Thank you so much, mahaly. Ang swerte ko kasi sobra sobra mo akong pinapasaya. I love you."

Katrice Kierulf comment on Klea's post

Read: Klea Pineda introduces girlfriend Katrice Kierulf to the public for the first time

KLEA PINEDA, KATRICE KIERULF to CELEBRATE 3RD ANNIVERSARY ON FEBRUARY 2025

Noong February 4, 2024, ipinagdiwang nina Klea at Katrice ang kanilang second anniversary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa post ni Klea, sinabi niyang mapalad siyang nakahanap ng best friend at soulmate sa katauhan ng girlfriend.

Ang pag-iibigan din daw nila ay isang panghabampanahon.

Buong mensahe ni Klea, “A lovely night indeed!

“How lucky I am? I found my best friend and soulmate in one. Words can't describe how excited I am to experience life with you. This is just the beginning!

“Happy 2nd anniversary to us, hon!

“Our love is a forever kind of love [heart emoji]”

Read: Klea Pineda, girlfriend Katrice Kierulf celebrate second anniversary

Nag-come-out si Klea bilang miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, trans, queer, intersex, asexual +) community noong March 19, 2023, sa mismong kanyang ika-24 kaarawan.

Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Klea Pineda to girlfriend Katrice Kierulf: "Ang wish ko para sayo ay ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa para sa mga pangarap mo at sa kung anong makakapagpasaya sa puso mo. Parati mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo parati (no. 1 fan mo kaya ako)"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results