Very proud ang Filipina actress-singer at Broadway star na si Lea Salonga sa trans son nitong si Nic Chien.
Ipinagdiriwang ni Nic ang kanyang 19th birthday gayong Biyernes, May 16, 2025.
Sa pamamagitan ng Instagram, isang mensahe na puno ng pagmamahal ang ibinahagi Lea para sa kaarawan ng nag-iisang anak nila ng mister na si Robert Chien.
Kalakip nito ang larawan nila ni Nic kung saan naka-back hug si Lea sa anak.

Sa caption, inilarawan ni Lea ang anak bilang "the most precious human being in my little world."
Si Nic daw ang nagpa-realize kung gaano ka-"insignificant" ang kanyang buhay hanggang sa unang pag-iyak ng anak nang isilang ito 19 taon na ang nakalilipas.
Read: Lea Salonga to daughter Nicole: "Be your own person."
Sabi ni Lea sa kanyang post: "This is the most precious human being in my little world.
"The one who captured my heart from the word go.
"The one that made me realize how insignificant my life was, until that initial piercing cry at 12:12pm on May 16, 2006."
Mensahe pa niya para kay Nic: "And now, he is turning 19. With each step into adulthood, my heart grows in ways I couldn’t have predicted.
"That he is, with honesty and courage, growing into who he’s meant to be makes me incredibly proud.
"Happy Birthday, my Nic!!! I love you to infinity!"
Read: Lea Salonga talks about the fun part of being a mom
Lea Salonga with husband Robert Chien and their daughter Nicole at the presscon of Lea's 30th anniversary concert Lea, My Life... On Stage! last May 7, 2008 at the Crowne Plaza.
LEA SALONGA SUPPORTS NIC'S TRANSITION
Sa exclusive story ng People magazine na lumabas noong April 4, 2025, inihayag ni Lea ang labis na suporta sa transition ng anak.
Ang pamagat ng artikulo ay "A Fierce Ally to Her Trans Child" na isinulat ni Jack Smart.
Mababasa sa artikulo ang tungkol sa relasyon ng mag-ina at ang hindi mapapantayang pagmamahal, suporta, at pang-unawa na ibinibigay ni Lea sa kanyang transgender son.
Labing-apat na taon si Nic nang mapagtanto nito ang tunay na pagkatao.
Noong Enero 2025, sa edad na 18, sinimulan na niya ang pag-inom ng testosterone para sa kanyang transition bilang lalaki.
Read: Lea Salonga, suportado ang transition ng anak na si Nic Chien
