Age is just a number!
Ito ang pinatunayan ng actor-director na si Epy Quizon matapos siyang magtapos sa kolehiyo sa edad na 53.
Ang bagong achievement ni Epy ay proud niyang ipinost sa Instagram noong February 17, 2026.
Ibinahagi ng aktor ang larawan niyang nakasuot ng toga, bago siya sumampa sa entablado para kunin ang kanyang diploma.

Higit pa sa diplomang kanyang natanggap mula sa De La Salle University (DLSU), katuparan din ito ng pangarap na pansamantalang naudlot nang huminto siya sa pag-aaral, tatlong dekada na ang nakalipas.
Mababasa sa caption ni Epy (published as is): "Dear Self, Thirty years ago, in 1996, you walked the halls of De La Salle University just a thesis away from graduation.
"Fear and circumstance pulled you away, and survival became more important than ceremony.
"But you made a promise."
Read: Epy Quizon, ikinalungkot ang pagde-demolish sa Dolphy Theater
Alay ni Epy ang nakuhang tagumpay sa yumao niyang ama na si Comedy King Dolphy.
Ayon sa aktor, bagamat hindi na nasaksihan ng ama ang kanyang pagtatapos, nakasisiguro siyang masaya at nagbubunyi ito sa narating niya.
Bukod kay Dolphy, iniaalay rin ni Epy ang kanyang diploma sa kanyang inang si Pamela Ponti.
Pahayag niya: "Through work, loss, responsibility, and time, that promise stayed quietly in your heart.
"Dad didn’t get to see this day. Mama, turning 80 soon, will."
"Today, you return—not as the young man who left, but as someone steadier, stronger, and faithful to his word."
Dagdag pa niya: "This diploma is more than paper. It is a promise kept. A prayer answered.
"A legacy for your children. It was never too late.
"Congratulations. Animo!!! You finished what you started, and never did you fail."
Read: Izzy Trazona holds on to faith amid online backlash
Epy calls graduation a tribute to his parents, siblings, and children
Sa hiwalay na post, sinabi ni Epy na sa kabila ng pagkaantala ng kanyang pag-aaral, ang pagtatapos niya ay bunga ng pagpupursigi—hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa pangarap ng pamilya niya para sa kanya.
Saad niya (published as is): "You did not just graduate. You fulfilled a promise.
"You honored your father’s memory. You gave your mother the gift of completion.
"You showed your siblings that perseverance runs in your shared blood.
"You proved to your children that a vow, no matter how delayed, is sacred."
Read: Epy Quizon on being compared to his late dad Dolphy: "It's too big of a shoe to fill."
Ang kanyang narating ay isa rin daw magandang paalala sa mga anak niya na "it is never too late to finish what you start, never too late to rise again, never too late to become the person you once promised to be."
Dagdag pa ni Ephy, "This diploma is more than paper. It is integrity made visible. It is endurance framed on a wall."
