Senior citizens edad 82, 73, at 63, kabilang sa graduates sa Taguig

by Chan-Chan Torres
Sep 16, 2022
senior citizens ALS graduates taguig
Si Mang Anthony Diaz, 82, (left photo) ang oldest ALS (Alternative Learning System) junior high graduate sa Taguig. (Right photo) Sina Luvisminda Fajardo, 73, (left) at Erlinda Dejumo, 63, ay mga senior citizens din na nag-graduate sa junior high school at elementary, respectively, via ALS. Si Taguig Mayor Lani Cayetano (right photo, center) ang panauhing pandangal sa kanilang graduation.
PHOTO/S: Facebook (I Love Taguig)

Nakakatuwang malaman na parami nang parami ang mga nagsisipagtapos ng basic education kahit na may edad na.

Kamakailan, tatlong senior citizens ang napabilang sa graduates sa tulong ng Alternative Learning System o Alternative Learning Center.

History-maker pa nga ang isa sa kanila na tinaguriang oldest ALS passer to date sa Taguig, ayon sa Taguig Public Information Office.

Siya si Anthony Mari Diaz o Mang Tony ay junior high school graduate sa edad na 82 anyos sa ilalim ng ALS program ng lungsod.

ANO ANG ALS?

Ang ALS ay isang “parallel learning system” sa Pilipinas na nagbibigay ng pagkakataon sa mga “out of school youth and adult (OSYA) learners to develop basic and functional literacy skills, and to access to complete basic education.”

Related articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOLO ALS PASSER

Sa mga na-upload na posts ukol kay Mang Tony, ipinakita ang larawan ng matanda na hindi napigilang maluha habang ginagawaran siya ng kanyang certificate of completion sa high school.

Aniya, testimonya siya na anuman ang edad, posible pa ring makatapos ng pag-aaral kung gugustuhin.

Ngayon, hindi na malayong matupad ang pangarap niyang makatapos ng kolehiyo kung magdesisyon siyang magpatuloy sa pag-aaral.

Pinasalamatan ni Mang Tony ang kanyang mga guro.

Aminado kasi siyang dahil sa katandaan niya, hirap siyang maki-angkop sa paggamit ng teknolohiya.

Pero pinagtiyagaan ito ng matanda dahil gusto talagang makapagtapos.

Dahil sa determinasyon at suporta ng mga taong nasa paligid, nagtagumpay si Mang Tony.

“Sobrang tuwa at pangarap na hindi inaasahan na nangyari,” ani Mang Tony sa interview niya sa I Love Taguig Facebook Page.

Anthony Diaz ALS graduate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mang Tony, 82, sa kanyang graduation na sinalubong ni Taguig Mayor Lani Cayetano.

2 MORE SENIOR GRADUATES

Bukod kay Mang Tony, meron pang dalawang senior citizens na gumradweyt.

Nasa 1,285 students ang nagtapos nitong nakaraang linggo ay elementary at secondary education graduates sa ilalim ng localized ALS program ng Taguig.

Kasama ni Mang Tony sina Luvisminda Fajardo, 73, na nagtapos ng high school, at si Erlinda Dejumo, 63, na nagtapos naman ng elementary.

Gaya ni Mang Tony, walang kapantay ang tuwang naramdaman ng dalawang matanda na nagsikap at kinaya ang mga pagsubok dala ng modern technology makapagtapos lang sa pag-aaral.

Si Aling Erlinda, rehistradong masahista at ukay-ukay vendor, kahit kumikita na, inabot pa rin niya ang pangarap na makapagtapos ng elementary.

OVERCOMING DIFFICULTIES

Aminado sina Aling Luvisminda at Aling Erlinda na hindi naging madali ang pag-aaral gamit ang modules.

Pero dahil sa tiyaga at gabay ng mga guro nila, nairaos nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anila, masuwerte silang nariyan ang kani-kanilang pamilya na hindi sila pinabayaan kahit sa kanilang school work at mga activities.

Sabi naman ni Aling Luvisminda, “Sa kabataan ko sa amin sa probinsiya, mahirap lang kami. Maagang namatay ang papa ko, ang mama ko.

"Kaya gusto kong makahawak man lang ng dipolma’t maka-graduate kaya naisipan kong mag-ALS.”

Pahayag naman ni Aling Erlinda, “Masaya po kasi kulang ang pinag-aralan ko kaya nagsikap ako na mag-eskwela sa ALS.”

Si Mayor Lani Cayetano ang panauhing pandangal sa nagdaang graduation ceremony.

Sa kanyang talumpati, sinabi niyang umpisa pa lang ito ng kanilang paglalakbay.

Kaya dapat ay mas lalo nilang pagbutihan at huwag matakot makipagsapalaran.

ALS PROJECT AND OPPORTUNITIES

Maraming natutulungan ang mga programa gaya ng ALS. Kaya magdadagdag daw ng funding para rito sa susunod na taon sa Lungsod ng Taguig, ayon pa kay Mayor Cayetano.

Sa ganitong mga programa, siguradong ilan pang gaya nina Anthony Diaz, Luvisminda Fajardo, at Erlinda Dejumo ang mahihikayat na magbalik-eskuwela at sunggaban ang pagkakataong mag-aral ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mang Anthony Diaz, 82, (left photo) ang oldest ALS (Alternative Learning System) junior high graduate sa Taguig. (Right photo) Sina Luvisminda Fajardo, 73, (left) at Erlinda Dejumo, 63, ay mga senior citizens din na nag-graduate sa junior high school at elementary, respectively, via ALS. Si Taguig Mayor Lani Cayetano (right photo, center) ang panauhing pandangal sa kanilang graduation.
PHOTO/S: Facebook (I Love Taguig)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results