Apat na taon na ang nakalilipas, itinampok sa iba’t ibang news programs sa U.S. ang success story ng mekaniko na naging doktor.
Siya si Carl Allamby, na ngayon ay nasa kanyang early 50s.
Pero paano na ang isang mekaniko ay nauwi sa pagiging doktor?
Read: Texas woman measures her life through eclipses; April 8 eclipse is her 21st
BECOMING THE BEST MECHANIC
Pangarap ni Carl ang maging doktor, pero kailangan niyang isantabi ito dahil sa kahirapan.
“I grew up in East Cleveland, which is a very impoverished city,” aniya sa interview ng CBS News noong 2019.
“We were on welfare and I remember the government powdered milk and cheese…”
Pinili ni Carl na maging mekanino, ang ipinangako niya sa sarili na magiging pinakamahusay siya sa napiling propesyon.
Kaya ang naging tambayan niya ay isang parking area sa isang park store, at dun siya naghahanap ng mga customers.
Inaabot siya roon ng madaling araw.
Kalaunan, nagtayo si Carl ng sarili niyang repair shop, na pinagtuunan niya ng pansin sa loob ng 15 years.

Carl Allamby becomes a guest of singer Kelly Clarkson on her TV Show in September 2023.
Read: Heiress with PHP1.5B inheritance chooses 50 people to decide on how to give away her money
DREAM TO BECOME A DOCTOR
Pero isang araw, naisip ni Carl na mag-aral muli at kumuha ng business degree para i-manage nang maayos ang kanyang repair shop.
Nag-enrol siya sa Ursuline College.
Pero may isang required subject na naging palaisipan sa kanya—ang Biology.
Hindi raw niya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang kumuha nito gayung business degree naman ang kurso niya.
Pero sa first hour ng kanyang first day sa Biology class, nagbago ang buhay ni Carl.
Kuwento niya, “I’m a business major. What do I even care about biology? But I went to class.
“And in the first hour being there, I knew what I wanted to do for the rest of my life. All of those ideas of wanting to be a doctor just came rushing back,” sabi ni Carl.
Nanariwa sa kanya ang childhood dream na maging doktor.
Nag-enroll siya sa Northeast Ohio Medical University at kumuha ng medicine at nagtapos noong 2019.

May mga discouragement siyang natanggap, pero desidido si Carl sa tuparin ang pangarap niyang ito.
“I would hear people say, ‘Well, Carl, it’s gonna take nine years to be a doctor.’ And I’d say, ‘Nine years is gonna pass anyway, so I’d rather be someplace I wanna be, rather than some place I could have been.’”
Kasalukuyan siyang emergency medicine resident sa Cleveland Clinic Akron General.
Late last year, naitampok si Carl sa talk show ng singer na si Kelly Clarkson na umaming humanga sa life story ni Carl.
Sa kanyang Facebook account, makikita sa latest posts ni Carl na patuloy ang kanyang speaking engagements at interviews.
