Mabibilang mo ba sa mga darili mo kung ilang eclipses na ang nasaksihan mo?
Unfortunately, hindi magiging visible dito sa Pilipinas ang solar eclipse na nakatakdang mangyari ngayong April 8, 2024.
Pero isang babae sa Texas, USA, ang sobrang fascinated pagdating sa eclipses.
At ang mangyayari sa araw na ito ang kanyang ika-21st solar eclipse na nasaksihan.
Inilalarawan ni Leticia Ferrer, 63, ang sarili bilang “chaser of eclipses."
Sinasadya pa talaga niyang puntahan ang mga nakatakdang solar exclipses sa iba’t ibang bahagi ng mundo para personal niyang masaksihan ang mga cosmic events na ito.
Ulat ng Reuters, nakaapak na siya sa seven continents at sinuong pati ang mga karagatan.
Sinuwerte siya ngayong April 8 dahil hindi na niya kailangang bumiyahe sa ibang bansa.
Mula sa kanyang tirahan sa Dallas, buong-buo na mararanasan ni Leticia ang solar eclipse—o ang pagkakataong haharangan ng buwan ang araw sa daigdig.
Read: Guinness oldest living man dies two months before 115th birthday

Actual solar eclipse shot of Leticia in Argentina in December 2020.
Read: Dutch woman, 28, opts for euthanasia to end mental suffering
LETICIA, THE ECLIPSE CHASER
Ani Leticia sa ulat ng Reuters, "My life is measured in eclipses.
"I'm addicted to that feeling of ... for those few seconds or minutes, being one with the universe and being really present and feeling it.
“And then, of course, there's always the planning for the next one."
Sa katunayan, bilang na bilang ni Leticia ang mga eclipse na kanyang natunghayan.
Ang April 8 ang kanyang pangatlo sa kontinente ng North America.
Minsan na siyang nagpunta sa Europe para sa isang solar eclipse. Dalawang beses naman sa Africa.
Pagpapatuloy niya, “I've gone to Australia three times. I've gone to Antarctica twice. I've gone to Asia three times. I think that counts for Indonesia.
“Oh, and a couple of oceans. There were a couple of them, we were in the middle of the Atlantic or the middle of the Pacific. It wasn't on land anywhere.”
Read: Jerry Watamama: from security guard to registered criminologist
Sa isang interview niya sa YouTube, alam ni Leticia ang mga detalye at lugar ng mga natunghayang eclipses.
At walang nakapigil sa kanya, kahit pa malaking dagok sa buhay na pinagdaanan, para matunghayan ang mga eclipse na ito.
Noong 2017, na-diagnose siya with ovarian cancer. Pero pina-delay niya ang kanyang treatment para masaksihan ang solar eclipse that same year.
Noong 2010 namatay ang kanyang first husband, pero nagtungo pa rin siya sa South America para sa isang eclipse.
Katuwiran niya, “I watched his dreams die with him, and I’m not going to let my dreams die.”
Taong 2011 nang makilala ni Leticia ang kanyang second at current husband via dating site, kung saan nakalagay sa kanyang profile na ang misyon niya ay makita ang lahat ng solar eclipse.
Samantala, aktibo si Leticia sa kanyang podcast tungkol sa mga eclipse, at bumibiyahe sa iba't-ibang lugar sa Texas para sa kanyang speaking engagements.
Pangarap daw niya na mabuhay hanggang 103 years old para makumpleto ang 50th total or hybrid solar eclipse, na sinasabing "rarest."
Ayon sa NASA website: “Because Earth's surface is curved, sometimes an eclipse can shift between annular and total as the Moon's shadow moves across the globe. This is called a hybrid solar eclipse.”
