Isang babae ang nag-Top 1 sa Philippine National Police Academy (PNPA) Layag-Diwa Class of 2024.
Out of the 233 cadets, nanguna si Police Cadet Ma. Camille Cabasis, na taga-Lian, Batangas.
Hindi lang iniangat ni Camille ang bandera ng mga babae, pinatunayan din niyang hindi sagabal ang kahirapan para hindi maabot ang pangarap.
Kasabay ng pag-aaral niya noon, pinasok ni Camille ang kung anu-anong part-time jobs, tulad ng pagtitinda ng siopao at pagpo-photocopy.
Read: Narcilisa Talipnao aimed for at least 85% rating; aba, nag-top 1 sa criminologist board exam!
MA. Camille Cabasis: ACADEMIC ACHIEVER
Certified academic achiever si Camille na mula elementarya ay isang honor student.
Nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Criminology sa Batangas State University.
Pumasa na rin siya sa Criminologist licensure exam noong December 2019, at naging Top 1 sa Region 4A sa naturang board exam.


Ma. Camille Cabasis has been a consistent honor student from elementary (top photo) until college (bottom photo), where she graduated cum laude.
Solong anak siya nina Edwin at Lucena Cabasis.
“Hindi naging madali ang buhay sa akin, pero dahil sa aking motivation in life to succeed, I was able to attain kung anuman yung mga goals ko sa buhay,” aniya sa interview ng Pulis News Network, April 12, 2024.
Para may pambaon noong kolehiyo, tuwing vacant time ni Camille ay pumapasok siya sa photocopy center at nagtatrabaho roon kapalit ng PHP25/hour na sahod.
Bukod dito, marami pang raket ang dalaga.
“Nung college ako at high school, sumasama ako sa mga marching bands sa mga piyestahan,” sabi pa niya.
“Na-experience ko rin magtinda ng siopao sa school namin. Bale pandagdag na rin siya sa mga gastusin ko sa college ko, especially nung nagti-thesis na kami.”
Naging advantage kay Camille ang pagiging active officer niya sa ROTC noong college nang pumasok siya sa PNPA.
Read: Female scammer busted by QCPD despite undergoing cosmetic surgery and assuming a different identity
CAMILLE'S THREE RULES TO SUCCESS
May mensahe si Camille hindi lang sa mga kabataan kundi para na rin sa mga kababaihang tulad niya.
Sabi niya, “Sa aking kapwa kabataan at kababaihan, nawa’y magsilbi akong inspirasyon sa inyo.
“Sa ating mga kababaihan, hindi tayo babae lamang, kundi babae na may magagawa sa lipunan. Kung kaya ko ay kaya niyo rin.”
Ibinahagi rin ni Camille ang tatlong formula niya para maging Top 1 sa klase.
Una ay ang pagiging handa.
“Naniniwala ako na kung tayo ay handa, lahat ng bagay ay magiging madali para sa atin.”

Pangalawa raw ay ang sipag at tiyaga.
“Hindi madali ang maging kadete pero sa pamamagitan ng sipag at tiyaga, ating malalampasan ang mga pagsubok.
“Hindi porke’t mahirap ang isang bagay, e, tayo ay susuko na lamang.
“Hindi porke’t mahirap ang isang bagay titigil na lamang tayo at walang gagawin. Kailangan nating maging matiyaga upang makamit ang tagumpay na ating inaasam.”
At ang kanyang panghuli, “Tiwala sa Maylikha. Sa lahat ng bagay na aking ginawa at nalampasan dito sa akademya palagi akong nagtitiwala sa Diyos na Maykapal.”
Bukod sa pagiging Top 1 sa klase, ginawaran din si Camille ng special academic awards: Best in Laws and Jurisprudence, Best in Police Administration, at PNP KAMPILAN Academic Award.
