PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Night Owl GPT Launch to Save Philippine Dialects

It's called Night Owl GPT.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published May 10, 2024
Anna Mae Yu Lamentillo portraits
Anne Mae Yu Lamentillo is a Filipina who pioneered the creation of Night Owl GPT, an artificial intelligence that aims to preserve the Philippine languages.
PHOTO/S: Anna Mae Yu Lamentillo

Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging mayaman sa kultura.

Mayroon itong 7,641 na mga pulo, kaya samu’t sari ang mga wika na sinasalita ng mga Pilipino.

Sa kabila nito'y nababahala ang mga pangkat etniko sa bansa dahil sa popularidad ng social media, kung saan mas ginagamit ang Ingles.

Ayon sa Ethnologue, sa 175 indigenous languages and dialects ng Pilipinas, 35 ang considered endangered, 11 ang nasa panganib ng extinction, at dalawa naman ang extinct na.

Pero sa taong ito, inilunsad ang Night Owl GPT, isang AI (Artificial Intelligence) platform na binuo para pangalagaan ang mga wika sa Pilipinas na nanganganib na makalimutan.

Read: Three Pinays, finalists in 2024 Pulitzer Prizes

Pag-iingat ito sa importanteng aspeto ng Kulturang Pilipino para maabutan at matutunan pa ng mga susunod na henerasyon.

At siyempre, isang Pilipino rin ang naging pioneer ng Night Owl GPT.

Siya si Anna Mae Yu Lamentillo, 33, isang lawyer, author, opinion columnist, philanthropist, at civil servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos siya noong 2012 sa University of the Philippines - Los Baños sa kursong Bachelor of Science in Development Communications, kung saan nakuha niya ang pinakamataas na general weighted average para sa mga Development Journalism Majors.

Walong taon siyang nagsilbi sa gobyerno sa apat na administrasyon.

Naging undersecretary siya ng Department of Information and Communications Technology; founder and chief officer ng Build Initiative Foundation; chairman ng Build, Build, Build (BBB) Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Mark Villar.

Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ni Anna ang kanyang pag-aaral sa London School of Economics sa kursong Master of Science in Cities.

Siya ay miyembro ng Karay-a, isang pangkat etniko sa Pilipinas, kaya ang Night Owl GPT ay hindi lang isang passion project kundi isa ring advocacy.

Read: Labandera sends 6 kids to school; all 6 professionals now

THE IMPORTANCE OF NIGHT OWL GPT

Sa ngayon, walang popular na AI tool na gumagabay sa wastong paggamit ng mga wikang Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang Night Owl GPT ay maituturing na isang malaking hakbang para maging readily available, sa tulong ng technology, ang mga impormasyon tungkol sa wikang Pilipino.

Ani Anna sa kanyang article sa Medium, “Night Owl GPT leverages the power of AI to bridge language barriers and enable people to ask questions in their local dialects, fostering inclusivity and accessibility to information.”

At hindi lang iyan, dahil mapa-voice input man o typing, ang sinumang gagamit nito ay makakatanggap ng translations upang mas lalong maintindihan ang wika o dayalekto.

Sa ngayon, ang AI tool na ito ay nagsisilbing valuable resource tungkol sa mga pangunahing wika, gaya ng Tagalog, Cebuano, at Ilokano.

Subalit, layunin din ni Anna na palawigin pa ang function nito para sa mahigit 170 pang wika sa bansa.

Read: Zoo in China paints dogs to look like pandas

Pag-anyaya ni Anna sa kanyang People Asia interview, “Let’s embark on this revolutionary path together, as we forge ahead towards a future where every Filipino voice can be heard, and every story told, regardless of linguistic lineage.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa lamang ang Night Owl GPT sa mga patunay na kapag ginamit sa tamang paraan, malaki ang maiaambag ng technology sa lipunan.

Nawa’y simula pa lamang ito ng maraming makabagong pamamaraan para ma-preserve ang tunay na yaman ng ating bayan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Mae Yu Lamentillo is a Filipina who pioneered the creation of Night Owl GPT, an artificial intelligence that aims to preserve the Philippine languages.
PHOTO/S: Anna Mae Yu Lamentillo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results