Sa pagsisikap na maging komportable ang mga kababaihan, lumikha ang Swiss chef and confectionery expert na si Marc Widmer ng special chocolate na kayang pawiin ang cramps ng mga babae kapag may menstruation.
Mayroon din itong calming effect sa iba pang consumers.
Ang na-develop na chocolate ay tinawag niyang Frauenmond o "Chocolate with Love."
Nagtataglay ito ng 60 percent cocoa at 17 herbs mula sa Swiss mountains.

Photo courtesy of Frauenmond
Ayon kay Marc, isang sikat na pastry chef at nakapagtrabaho na sa mga pinakasikat na hotels sa Switzerland, naisip niya ang idea ng Frauenmond noong 2013.
May nakilala siyang pamilya ng mga magsasaka sa Grafenort, isang village sa Poland.
Nag-brew ang mga ito ng tea na ayon sa mga ito ay nagpapagaan sa nararamdaman ng isang babaeng may buwanang dalaw.
Ang tea ay binubuo ng mga dahon ng herbs na ginamit din niyang sangkap sa Frauenmond.
Read: TOTOO BA: Ang pagkain ng chocolate ay nakaka-pimple?
FRAUENMOND, FIRST HEALTHY CHOCOLATE FOR WOMEN—AND EVEN FOR MEN
Inamin ni Marc na kinuha rin niya ang pangalan ng na-develop niyang chocolate sa Frauenmond—na siya ring tawag ng pamilya ng mga magsasaka sa kanilang tea.
Nakipag-collaborate naman siya sa aromatherapist and physiotherapist na si Claudia Juma-Hotz, at gumugol sila ng ilang buwan para ma-perfect ang formula para sa Frauenmond chocolate.
Nang makumpleto ang formulation, proud siya na ito ang “first healthy chocolate made especially for women.”

Pero hindi aniya iyon nangangahulugan na hindi ito puwedeng kainin ng mga kalalakihan.
Paliwanag niya, binuo lang ang Frauenmond para matulungan ang mga kababaihan na huwag mahirapan kapag may monthly period, pero puwede rin ito sa ibang chocolate lovers.
Read: Why To'ak is considered the “world's most valuable chocolate
FRAUENMOND CHOCOLATE NOT A MEDICAL PRODUCT
Binigyang-diin din ni Marc na ang Frauenmond ay hindi isang medical product.
Aniya, isang lang itong masarap na kumbinasyon ng cocoa at mga herbs na nagpapaganda sa mood ng mga babae at may soothing effect kapag mayroon silang buwanang dalaw.
Read: Three scientific proofs that dark chocolate is good for your diet
Hindi ini-reveal ni Marc kung anu-anong 17 herbs ang sangkap ng Frauenmond kaya hindi masabi ng mga medical experts kung totoong nakakatulong itong ma-relieve ang sakit na dulot ng menstruation.

Gayunpaman, sang-ayon ang mga medical experts na ang pagkain ng moderate amount ng quality dark chocolate—kahit walang ibang sangkap na medicinal herbs—ay sapat para gumaan ang nararamdamang cramps and PMS.
Kung gusto ninyong subukan ang bisa ng Frauenmond, may kamahalan ang presyo nito.
Ang 100-gram bar ay nagkakahalaga ng US$12 o PHP 688.82.
Mabibili ito online, pero asahan na ang mataas na shipping fee dahil sa Switzerland ito manggagaling.
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
