Vilma Santos reveals long ordeal with COVID-19

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2022
vilma santos facebook live
Vilma Santos: "Gusto ko lamang ipaalaala sa inyong lahat na, please, please, COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po, sa mga [ka]edad ko na senior, you really have to be careful."
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook

Ipinagtapat ni Star for All Seasons Vilma Santos ang pagkakaroon niya ng long-haul COVID-19 sa bisperas ng kanyang ika-69 kaarawan sa November 3, 2022.

Ikinuwento ni Vilma ang pinagdaanan niya sa pamamagitan ng video post sa kanyang official Facebook page ngayong Miyerkules, November 2.

“COVID got me at ibang klase po yung COVID ko. Negative na ako pero ito raw yung tinawag nilang long COVID.

“Yung nagkaroon ng complications. I had an asthma attack and then nagkaroon ako ng fluctuating BP [blood pressure], headaches.

“Kahit na ano pong ingat ang ginawa ko, nakuha pa rin po ako ng COVID. So, ang advice po ng mga doktor sa akin, I really had to rest.

“In fact, up to now, kailangan medyo rest lang muna because alam naman nating lahat na... ehem, 35 years old na ako, di ba? So, kailangan talaga, extra ingat,” may halong birong pahayag ng Star for All Seasons tungkol sa kalagayan ng kalusugan niya.

Ang pagkakaron niya ng COVID ang dahilan kaya hindi siya nakagawa ng mga vlog para sa kanyang YouTube channel.

Hindi inilihim ni Vilma ang matitinding health protocols na ginawa niya at ng kanyang pamilya nang magkaroon ng coronavirus pandemic simula noong 2020.

Matagal na panahong hindi lumabas ng bahay si Vilma noong kasagsagan ng pandemya at talagang sumasailalim sila sa antigen test ng mga taong kailangan niyang makausap nang personal.

Pero sa kabila ng ibayong pag-iingat, tinamaan pa rin ng COVID ang multi-awarded actress at dating Batangas representative, governor, at Lipa City mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Vilma, “I try my very best to get back into the groove so pagbigyan niyo muna ako, ha? Pero ngayon, I’m trying my very best.

“But before anything, sa inyong lahat, see, kahit anong ingat ang gawin ko, nakuha pa rin ako ng COVID.

“Gusto ko lamang ipaalaala sa inyong lahat na, please, please, COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po, sa mga [ka]edad ko na senior, you really have to be careful.

“Hindi po talaga madali. Maski po ako, nahirapan, and I’m trying my very best, still, to get well at this point.”

Pinasalamatan din nang lubos ni Vilma ang lahat ng mga doktor na nag-alaga at nag-asikaso sa kanya.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos: "Gusto ko lamang ipaalaala sa inyong lahat na, please, please, COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po, sa mga [ka]edad ko na senior, you really have to be careful."
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results