PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee discharged from hospital

Chito: "Dahil sa tulong ninyo, he survived."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 12, 2023
Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee discharged from hospital
Chito Miranda gives update on Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee: "After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas...pina-uwi na si Gab sa bahay nila."
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram

Nakalabas na sa ospital si Gab Chee Kee, ang gitarista ng OPM rock band na Parokya ni Edgar.

Ito'y matapos ang halos dalawang linggo niyang pagka-confine sa ospital dahil na-diagnose siyang may lymphoma-induced pneumonia.

Ang lymphoma ay uri ng cancer na ang tinatamaan ay lymph nodes.

Sa Instagram post ng Parokya ni Edgar frontman singer na si Chito Miranda noong Biyernes, March 10, 2023, masaya niyang ibinalita sa kanilang fans na nakalabas na sa ospital si Gab.

Kalakip ng post ni Chito ang litrato ni Gab na naka-wheelchair hawak-hawak ang kanyang gitara.

Mababasa sa caption ng post ni Chito (published as is), "After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas ... pina-uwi na si Gab sa bahay nila."

Nagpasalamat din ang singer-songwriter sa mga taong nagdasal at nagbigay ng pinansiyal na tulong kay Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Dahil sa tulong ninyo, he survived.

"Maraming maraming salamat talaga!!!

"He was able to get the best medical attention dahil nagtulung-tulong tayo...and now, he could finally continue with his chemotherapy.

"Kelangan n'ya lang magpalakas para makayanan nya yung chemo.

"The important thing is that we are back on track.

"Kumbaga, balik tayo sa main event ... his fight against Lymphoma.

Dagdag pa niya, "We will win this battle."

Read: Chito Miranda reacts to “sayang naman yung 8M” comment on fundraising campaign for bandmate Gab Chee Kee

Matatandaang nagsagawa ng fund-raising si Chito at ang kanyang mga kabanda para pandagdag sa lumulobong gastusin ni Gab sa ospital.

Dahil dito, agad na bumuhos ang tulong mula sa mga fans at kasamahan nilang artists sa music at showbiz industries.

FUND-RAISING FOR PAROKYA NI EDGAR GUITARIST

Noong January 2023, sinimulan ng grupo ni Chito ang fund-raising gigs kasama ang ilang kapwa OPM artists na sina Moira Dela Torre, Gloc 9, Kamikazee, Ebe Dancel, Shanti Dope, Flow G, December Avenue, Moonstar 88, POT, at Gracenote.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Chito Miranda seeks financial help for Parokya ni Edgar bandmate with lymphoma

Maliban dito, nagbenta rin ng ilang memorabilia si Chito mula sa mga props na ginamit ng Parokya Ni Edgar noon sa kanilang iconic music videos.

Kabilang dito ang school polo, slacks, at cap na sinuot ni Chito sa music video ng kantang "Bagsakan," pati na ang puppets na sina Mr. Suave at Chito Matsing na ginamit ng Parokya ni Edgar sa album cover ng Halina sa Parokya.

Boluntaryo ring dinonate ng pamilya Magalona ang memorabilia ng namayapang Pinoy King of Rap na si Francis "Kiko" Magalona. Ito ay ang polong sinuot niya sa music video ng "Bagsakan" kung saan naging ka-collab niya ang Parokya ni Edgar.

Read: Francis Magalona's shirt to be auctioned to help Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee

Maging ang bandang Eraserheads ay gumawa rin ng paraan para makapag-abot ng tulong pang-medikal kay Gab sa pamamagitan ng pagbebenta nila ng gitarang may pirma ng lahat ng members ng Eraserheads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gitarang pirmado ng Eraserheads, sold for PHP1.3M; proceeds mapupunta sa treatment ni Gab Chee Kee ng Parokya ni Edgar

Ayon kay Chito, ang lahat ng pinagdaanan ni Gab at ng kanyang grupo ay mananatili sa kanilang alaala kapag tumanda na sila.

Saad niya, "Many years from now, when me and my bandmates are old and gray, babalik-balikan namin nila Gab yung kwento about how he fought and survived cancer, and how everyone helped out ... and it will always be one hell of an inspirational story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa comments section ng post ni Chito ay bumuhos ang pasasalamat mula sa kanilang mga fans at co-star.

Comment ni Iya Villania, "Thank you, Lord [pray sign emoji]."

Saad ni Joross Gamboa, "God is Good! Gab is Good! [red heart emojis]."

Pray sign naman ang komento ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chito Miranda gives update on Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee: "After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas...pina-uwi na si Gab sa bahay nila."
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results