Humingi ng dasal sa publiko ang Kapamilya actress na si Jane de Leon para sa operasyon ng kanyang ina na si Marie de Leon.
Sa Instagram post niya nitong Lunes, March 13, 2023, ibinahagi ni Jane ang pinagdaraanan ng ina na kasalukuyang naka-confine sa ospital.
Ayon sa Darna star, naaksidente ang kanyang ina kung kaya’t kinailangan nitong sumailalim sa agarang operasyon.
Hindi idinetalye ni Jane kung paano naaksidente ang ina.
Mababasa sa caption ni Jane (published as is), “Our mom got into an accident last Friday and today is her surgery.
“It breaks my heart to see her in this situation. I'm doing my best to stay positive and make her smile even though she’s in pain.”
Humingi rin siya ng paumanhin sa fans sa pagiging inactive niya sa social media nitong mga nagdaang araw.
Read: Jane de Leon on how Darna changed her life: "Nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin."
Kalakip nito ang pasasalamat ni Jane sa mga taong tumulong sa pag-aalaga sa kanyang Mommy Marie.
Saad niya, "Sorry if I'm inactive. We are taking care of our mom.
“I want to thank all the people who helped us. Thank you @ellemendoza_ @paulpatrickjuan for accompanying me yesterday!”
Sa huli, humingi ng pabor si Jane sa kanyang followers: “Please pray for the success of our mom's surgery.”
Read: Jane de Leon opens up about secret relationships with three actors
CELEBRITY REACTIONS
Limitado man ang detalyeng ibinahagi ni Jane patungkol sa kalagayan ng ina, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang mga komento mula sa fans at kapwa niya artista.
Read: Jane de Leon clarifies cancelled Regine Velasquez cameo in Darna
Komento ni Elisse Joson, “Tita, praying for u [pray and heart emoji].”
Saad naman ni Donnalyn Bartolome, “Hope she recovers soon.”
Mensahe ni Kira Balinger, “Get well soon tita. Stay strong Janeh.”
Sabi nina Joj at Jai Agpangan, “Tita get well sooon po. Praying.”
Comment pa ni Mutya Orquia, “Get well soon tita Heart.”


Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang update na ipinu-post si Jane tungkol sa operasyon ng kanyang ina.
Read: Janella Salvador, Jane de Leon on possibility of doing a GL series: "Why not?"
