PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fitness coach Toni Saret has advice before you exercise

"Wag yung buwis buhay na malalagutan ka ng hininga..."
by Melba R. Llanera
Published Jul 7, 2023
Toni Saret
Fitness coach Toni Saret stresses the importance of seeking medical clearance before starting on a fitness regimen.
PHOTO/S: @coachtonisaret on Instagram

Nagulat ang marami sa nangyari kay Gardo Versoza nung nakaraang March 30, 2023.

Isinugod siya noon sa ospital dahil inatake sa puso at sumailalim sa angioplasty.

Read: Gardo Versoza suffers heart attack from "too much exercise"

Galing ang seasoned actor noon sa pagba-bike mula Tarlac hanggang Pasig.

Kinumpirma naman ni Gardo sa mga nakaraang interview niya na sasailalim siya sa isa pang angioplasty para operahan muli ang isa pang nakitang bara sa kanyang puso.

Read: Gardo Versoza, na-discharge na sa ospital matapos atakehin sa puso

Dahil kilalang fitness buff si Gardo, naging palaisipan sa mga netizen ang biglaang heart attack niya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Coach Toni Saret sa nakaraang "Usapang Puso Sa Puso" sa 53rd Annual Convention and Scientific Meeting, na handog ng Philippine Heart Association at Philippine College of Cardiology, sa EDSA Shangri-La Ballroom 3 kamakailan, inusisa ng writer na ito ang fitness coach ukol sa nangyari kay Gardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panimula niyang pahayag, "I don't know Gardo's health condition, I also don't know what really happened, ang makakasagot niyan ay mga doktor.

“We leave that na lang sa mga expert, but in general, sa lahat sa atin na very sedentary, yung sa di gumagalaw, pinaka-importante ay yung mobility o paggalaw-galaw lang."

Pero huwag daw biglain ang katawan. If hindi sanay sa anumang physical activity, puwede raw maging gradual ang progress.

Ani Coach Toni, “Yung sakto lang according sa kakayahan sa fitness level niyo. Kung tayo ay nagsisimula, e, di yung akma lang sa kakayahan natin.

“Kung tayo ay di gumagalaw, nakaupo lang o nakahiga lang, simulan lang natin na buhatin ang ating mga hita at mag-exercise naman nang nakahiga.

“Later, pag nakaupo naman tayo, baka puwede tayong mag-incorporate ng workout na nakaupo.

"Later on, pag gumaan na tayo, nasanay na ang puso, ang katawan natin, naging habitual, small little habits, baby steps…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwede ka na pala maglakad ng isang kilometro, hanggang maging madali ang five minutes, 10 minutes, two kilometers, three kilometers, five kilometers.

"Sa akin, gradual build-up, according to your fitness level, according sa kakayahan ng katawan."

At kung gusto nating maging healthy at fit, hindi lang exercise ang kailangan.

Dugtong niya, "I-incorporate natin yung tamang tulog, tamang pagkain, sagana sa bitamina at mineral.

“Di kailangang mamahalin, basta maramimg gulay, isda, yung healthy. Yung malinis na diet.

"Actually basic lang tayo. Wag yung buwis buhay na malalagutan ka ng hininga na ayaw mo nang mag-workout. Yung akma sa bawat tao."

Read:

ASK FOR MEDICAL CLEARANCE BEFORE WORKING OUT

Ayon din kay Coach Toni, napakahalaga na magpakonsulta sa doktor bago mag-workout, lalo na kung may mga nararamdaman sa pangangatawan.

"Makikilala mo ang iyong pangangatawan, and the more we get to know it, malalaman mo ang limitasyon mo. Unang-una, before you try to do a fitness journey, kung ikaw ay di gumagalaw o sedentary, humingi ng medical certificate o basbas ng doktor, may clearance ka mag-workout.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung mayroong hadlang, mayroon ka bang asthma, vertigo, natutumba ka ba, nahihilo, baka mabagok ang ulo mo, mayroon ka bang hypertension…

“Lahat dapat alamin mo tapos magagamay natin ang katawan natin.

“Di isang tao ang magsasabi njyan kasi kapag sinabi, ‘Ito ang gagawin mo, sundan mo ito.’

“E, hindi naman bumagay sa iyo. Kakapain mo rin. Ikaw rin ang magsasabi kapag sobra na, at di na kailangan.

"Again mayroon naman tayong maximum heart rate, minimal heart rate. Alam mo kung saan ang hangganan mo sa panimula. Mayroon tayong parameters, kayo ang magsasabi kung ano ang kayang gawin ng katawan mo."

MAINTAINING PHYSICAL FITNESS DURING THE PANDEMIC YEARS

Bukod sa napapanood sa mga morning shows ngayon sa Sakto at Kada Umaga alternately, araw-araw, parte rin si Coach Toni kasama ang asawang si Coach Jim at Mickey Perz sa programang Team FitFil ng ABS-CBN na nagsimulang umere nung kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw niya, "Nung kasagsagan ng pandemic, dun kami nag-start mag-shoot ng aming fitness show, yung Team FitFil sa ABS, ang aming mother company dahil wala pang bakuna nun.

“The only way daw para maging fit and healthy at malabanan ang banta ng sakit ay kumembot ka at gumalaw. Sabi ko, ‘kasagsagan ng pandemic tapos nagsara pa si ABS nun, pumuputok pa yung bulkan, nagka-pandemic pa.’

“Stressed na stressed lahat ng tao lalo na kami sa ABS, pero tuloy pa rin ang production. Sabi ng mga bosses namin, yun ang aming pagkawang-gawa sa sambayanang Filipino.

"We did that, during pandemic marami ang nag-workout kasi marami ang nataningan ng mga sakit at ang daming pumanaw at nauna sa atin. Hindi lang dahil natakot. Siguro it's a wake-up call sa ating lahat."

LIMITING KIDS' USE OF GADGETS

Samantala, dahil din matagal na napirmi sa bahay ang mga bata, nagkahilig ang mga ito sa paggamit ng gadgets at paglalaro ng mga computer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May payo rin ang fitness coach tungkol dito:

"Siguro bawasan natin ang mga gadgets kasi minsan, para matahimik ang mga bata, heto na ang virtual yaya nila.

“Minsan makikita ko sa stroller, two years old, di pa nakakalakad, pasipa-sipa ang paa, may hawak nang gadget, marunong nang mag-navigate.

“Natatakot ako. Sabi ko, ‘Bakit ganun ang panahon ngayon?’ Di naman sa sinasabi ko na Jurassic, pero baby pa lang, blue light na ang kaharap niya, technology, paano na kikibot yun?

“Nakakatakot, kasi with all the radiation, blue light that alters the brain or whatever, that is not good for you in the long run.

"Dapat limited time with gadgets, with blue light, and most important is tayo ang set point.

"Sa mga magulang , practice what we preach, let's lead by example. Pag nakita ng mga anak natin, ‘O, mommy mo kumekembot, nagsu-Zumba,’ mapapagaya ka or makikita mo na kakain na lang dahil depressed, kakain na lang the whole time, gagayahin mo rin yun kasi yun ang nakikita mo, e. Sa mga bata, very influential talaga tayo, so we have to be a good influence."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fitness coach Toni Saret stresses the importance of seeking medical clearance before starting on a fitness regimen.
PHOTO/S: @coachtonisaret on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results