Inatakeng muli ng Bell's palsy ang aktor na si Gerard Pizarras noong June 20, 2025.
Una siyang inatake ng Bell's palsy noong July 31, 2004, o halos 21 taon na ang lumipas. Ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha ang naapektuhan.
Sa ikalawang atake ni Gerard ay ang kanang bahagi naman ng kanyang mukha ang tinamaan.
Ayon sa Johns Hopkins Medicine, ang Bell's palsy ay "unexplained episode of facial muscle weakness or paralysis."
Dahil dito ay nagiging tabingi ang mukha ng taong may Bell's palsy.

Read: Are Cristine Reyes and Gio Tingson in a relationship?
Gerard Pizarras's wife Jan Marini gives details about husband's ordeal
Sa pamamagitan ng Instagram Reel nitong nakaraang Linggo, July 13, 2025, nagkuwento ang asawa ni Gerard na si Jan Marini sa pagkakaroon muli ng Bell's palsy ng aktor.
Ayon sa aktres, inabot ng 21 araw bago tuluyang gumaling ang mister.
May malaking kahulugan daw sa kanila ang numerong "21."
Lahad ni Jan: "Twenty-one years ago, Gerard had Bell's palsy on the left side of his face.
"And nito lang June 20, 2025, nagka-Bell's palsy siya ulit, sa kabilang side naman.
"Kakagaling lang namin sa grocery when he felt stiffness on the right side of his face.
"It took 21 days before he fully recovered, at yan ang gusto kong i-share sa inyo.
"What's with the number 21? Twenty-one years ago, it took him one and a half months to fully recover.
"This time, after just 21 days, he was already back to normal.
"Siguro tinatanong niyo, bakit nga ba siya nagka-Bell's palsy ulit? E, mukha naman siyang healthy, very fit and for his age na almost 50, yung BP niya pang bagets, 110/70."

Hindi raw nila alam kung paano nagkaroon muli ng Bell's palsy attack ang asawa.
Aniya: "Honestly, hindi rin namin alam kung bakit.
"Basta ang alam namin, number one, we wanted to deal with it as privately as possible.
"And number two, we also wanted to do the holistic or alternative approach.
"Hindi kami nagmukmok. Tuluy na tuloy ang buhay namin.
"Tuloy yung mga dance challenge, ang rampa, workout niya, date nights in between treatment days.
"Our optimism as a family definitely came from the source of peace, Jesus Christ."
Binanggit din ni Jan ang mga gamot na nireseta sa asawa at ang pagdagdag nila ng dosage ng vitamins nito.
"Three times a week yung acupuncture namin guys.
"Twenty-one days, just 21 days, that's how amazing God is.
"He is our ultimate healer talaga and we're thankful that He led us to the healthcare providers na talagang suwak na suwak sa amen."
Nagpasalamat din si Jan sa mga doktor na gumamot sa asawa dahil balik na raw sa normal ang hitsura nito ngayon.
Sa huli, tila nasagot naman ang tanong ni Jan tungkol sa importansiya ng numerong "21."
Pagtatapos niya, "Ano nga bang meron sa 21?
"We were led to Proverbs 21:21 and I wanna share it with you, 'All glory to our Lord and saviour Jesus Christ, our ultimate healer.'"
View this post on Instagram
Ang huling celebrity na inatake rin ng Bell's palsy ay ang singer na si Frenchie Dy.
