Ai-Ai delas Alas flexes husband's recent feat: "May benz na ang lolo naten"

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2021
Ai-Ai delas Alas Gerald Sibayan new car
Ai-Ai delas Alas is very proud of husband Gerald Sibayan, who recently bought a Mercedes Benz from his own savings. She says, "IAM SO PROUD OF YOU HUSBAND PAWER!!!!”
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Proud misis si Ai-Ai delas Alas sa asawang si Gerald Sibayan dahil nakabili ito ng Mercedes-Benz mula sa sariling ipon.

Sa Instagram ngayong araw ng Sabado, February 20, 2021, ibinahagi ni Ai-Ai ang kuwento kung paano nagpursige si Gerald para mabili ang kanyang dream car sa tulong ng New Thought philosophy na Law of Attraction.

Ayon sa post ni Ai-Ai (published as is), “LAW OF ATTRACTION

“Flex ko lang and asawa kong masipag at determinado sa buhay .. nakakatuwa tong tao na to pag sinabi nya mangyayare talaga nagugulat na lang ako ..”

Kasunod niyang pinasalamatan ang mga may-ari ng isang dimsum company sa kanilang online franchise business concept.

Ito kasi ang pinagkaabalahan ni Gerald habang nasa community quarantine ang bansa noong 2019.

Dagdag pa niya (published as is), “at higit sa lahat sa ating panginoong DYOS na laging naka gabay sa amin mag asawa at sa mga blessings nya samen ..

Continue reading below ↓

“at syempre dapat mag pasalamat sya saken na pinayagan ko syang bumili kasi nakita ko naman paano sya mag hirap sa araw araw mag puyat sa presentation para sa maga bagong franchisee walang oras puyat to the max dahil ibang franchisee nasa ibang bansa na iba iba oras ..”

“PINAKITAAN NAKO NG IPON”

Ibinahagi rin ng Owe My Love star kung paano nagsimula sa joke ang plano ni Gerald na bumili ng Mercedes-Benz noong December 2020.

Sabi ng 56-year-old singer-comedian (published as is), “conversation namin mag asawa simula dec palang nag papa alam na sya

"Gerald: darl bili ako kotse ah..

"aiai: wag ka nga darl may pera ka ba ? Magtigil ka NGA

"Gerald: meron

"Aiai: nasan patingin??

"Gerald: Law of attraction (tumatawa)

"January: same converstion may kasama na kong punyeta kasi nakukulitan nako sa kanya ayoko talaga”

Sa wakas ay pinayagan na rin daw niya noong ipinakita na nito ang ipon niya sa kanyang banck account.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy pa ni Ai-Ai, “February 15 --pumayag na din ako gift nya sa sarili nya sabi ko at saka pinakitaan nako ng ipon nya na nagulat ako kay mr law of attraction nyeta may pera pala talaga hahahaha

“sabi ko kaya ako may perang ganyan kasi artista ako .. (magaling mag ipon si mr law of attraction)

“So eto na nga may benz na ang lolo naten .. IAM SO PROUD OF YOU HUSBAND PAWER!!!!” @gerald_sibayan

Tatlong taon nang kasal sina Ai-Ai at Gerald.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas is very proud of husband Gerald Sibayan, who recently bought a Mercedes Benz from his own savings. She says, "IAM SO PROUD OF YOU HUSBAND PAWER!!!!”
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results