Aminado si Deanna Wong na napagkakamalan siyang suplada ng ibang tao.
Sa tingin ng Cebuana professional volleyball player, misunderstood ang kanyang pagiging mahiyain.
“What I’ve been hearing, what I’ve heard, suplada daw…” sabi ng kilalang star setter ng Choco Mucho team ng Premier Volley League, sa panayam ni Boy Abunda sa isang Facebook and YouTube live session noong June 4, 2022.
Sadyang mahiyain daw ang 24 anyos na dalaga at naninibago pa siya sa atensiyong nakukuha niya.
“Sa akin naman kasi I’m really a shy type, and I’m really an introvert person, so, it may seem off na suplada.
“Siyempre, ayoko naman na di ko kilala…
“For me, baka If I do talk to them, baka feeling FC [feeling close] or like, maiinis sila…
“So I just choose to be quiet na lang, and I get misinterpreted about it.”
Pero unti-unti raw ang adjustment na ginagawa ng former Ateneo Lady Eagles athlete.
“Parang ngayon naman, I’ve come out of my comfort zone,” sabi niya.
“Shy but as time [goes by] nagiging comfortable na ako.”
Read Also:
- Sari-sari store ni volleyball star Deanna Wong, nag-trending!
- Volleyball star Deanna Wong, first love ang basketball
DEANNA WONG'S WHAT IF
Sa kabila ng pagkakaroon ng malaking following, inamin ni Deanna sa interview na mayroon siyang mga insecurities.
Kuwento niya, may mga duda siya noon sa sarili kung magtatagumpay siya.
Usisa ni Boy, ano ang malaking “What if” sa buhay ng itinanghal na UAAP 80 Best Setter?
“My ‘What if’ talaga is, ‘What if di ko kaya?’ yun talaga ang lagi kong tinatanong sa sarili ko.
“Kasi whenever I start something new, I always ask that question.”
Pag-amin ni Deanna, takot siyang lumabas sa kanyang comfort zone kaya nagkaroon siya ng duda sa sarili.
Pero nagsilbi rin daw itong aral sa kanya na hindi mo malalaman ang isang bagay kung hindi mo susubukan.
“Pag hindi mo rin gagawin, hindi mo rin malalaman kung ano yung magiging outcome.
“So being confident in yourself na kaya mong gawin yung mga bagay na akala mo di mo kaya…” sabi niya.
Kung meron man daw siyang ipinagpapasalamat ngayon, ito ay ang hindi pagsuko kahit gusto niyang mag-give up noon dahil sa mga “intense” moments sa kanyang buhay.
“Very on the verge of giving up,” sabi ni Deanna.
Sundot niya, “But then, as I always say, before you do quit, always remember the reason why you started that thing in the first place.
“So babalik at babalik ka sa core mo.”
Mensahe niya sa kanyang supporters, “Just really a big thank you to everyone.
“Very, very humbled, very, very grateful, very blessed.”
