PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Masculados member Orlando Sol's meat business is booming

"Totoong karne talaga yung binebenta ko.”
by Rommel Gonzales
Published Jul 24, 2022
Orlando Sol of Masculados
Orlando Sol is mighty glad his meat business is booming this pandemic: "Dinadala ko sa mga bulalohan, ako na yung nagsu-supply sa kanila."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nitong pandemya, isa si Masculados member Orlando Sol sa mga nawalan ng trabaho.

At ang naging fallback niya: magtinda ng laman.

Pero ang laman na itininda ni Orlando ay karne ng baka.

Kuwento niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobra akong naging busy, praise the Lord!

"Sobrang thankful din ako ako kay Lord kasi nung pandemic, yung business ko dun nag-boom!

“Meat, nagbebenta ako ng beef. Puro beef lang. Hindi ako nagbebenta ng pork, e. Dun ako nag-focus, e, sa beef meat na bulalo.

"So meron akong cutter, meron akong freezer, ganun."

Ayon kay Orlando, one-man team siya sa pagpapatakbo ng kanyang meat business.

Aniya, “Online ito, e, sa bahay ko lang. Kumukuha ako sa ano, import yun, e, yung mga bulalo cut, so ako mismo yung nagka-cut, ganun ang ginagawa ko. Bumili ako ng cutter, bone saw.

"'Tapos minsan, ako na rin ang nagde-deliver. Dinadala ko sa mga bulalohan, ako na yung nagsu-supply sa kanila. Nakakuha ako ng mga regular clients ko, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang mga male celebrities at models na napilitang "kumapit sa patalim" nang mawalan ng trabaho nitong pandemya. Ilan sa kanila ay naging online sex workers. May mga nagbenta rin ng racy videos kapalit ng pera o anumang "ayuda."

Pero hindi umabot sa ganitong punto si Orlando.

"Totoong karne talaga yung binebenta ko,” ang natatawang sinabi ni Orlando.

At bukod pa sa karne ng baka ay nagbebenta rin si Orlando ng salmon.

“Oo! Pumupunta pa ako sa mga storage, kumukuha rin ako ng mga salmon, mga pink salmon.”

INDECENT PROPOSALS

Aminado naman si Orlando na hindi maiiwasan na may nag-alok sa kanya na pasukin ang kalakaran ng pagbebenta ng "tunay na laman."

“Actually simula nung pumasok ako sa industry na ito, marami namang indecent proposal.”

Wala naman daw siyang pinatulan.

“Kasi ang aking prinsipyo naman, as long na kaya ko namang magtrabaho at kumikita naman ako, hindi ko pa naman siya kailangan. So nandun ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ko pa naman, e, bakit ko naman siya papatulan."

Pero naiintindihan naman daw niya kung bakit may ibang male stars na pumapayag sa ganito.

Sabi ng male actor, “Siguro yung mga iniisip siguro nila, mga nagmamadali or ano, e, hindi naman natin masisisi, hindi ko naman alam kung ano yung mga reasons nila kasi meron namang kanya-kanyang prinsipyo.”

Sabi ng writer na ito, siguro ginagawa ito ng iba para mabuhay.

“Oo, di ba, para mabuhay, so hindi ko sila huhusgahan kasi meron tayong kanya-kanya na hinaharap na ano.”

Noong panahon ng pandemya, dalawang TV series lang ang nagawa ni Orlando: ang Las Hermanas at Raising Mamay sa GMA-7.

Kung walang raket sa showbiz at hindi naging matagumpay ang kanyang meat business, kakayanin ba niyang gumawa ng kalaswaan para lang buhayin ang pamilya?

Sa tingin ni Orlando ay hindi pa rin siya aabot sa ganoong punto.

“Iyon kasi yung prinsipyo ko nga, sa sarili ko, parang iiisip ako ng iba pang paraan. Kumbaga hindi ko siya naiisip na ganun, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Kaya ko naman, e! Kailangan mo lang dumiskarte.’

“Kumbaga yung ganung diskarte, parang hindi ko siya isinama sa pagpipilian ko.

“And siyempre nag-aano ako kay Lord na, ‘Lord nagtitiwala ako, sa Inyo ako nagtitiwala.’"

deeper faith in the lord

Lalong lumalim ang pagtitiwala ni Orlando sa Panginoon nang sumakabilang-buhay ang kanyang manager na si Maryo J. delos Reyes noong 2018.

“Simula nung nawala si Direk Maryo, mas lalo akong napalapit kay Lord. Isinuko ko na sa Kanya ang lahat.”

Ang yumaong direktor at talent manager ay manager din ng buong grupo ng Masculados.

Pagtuloy ni Orlando, “Sabi ko, ‘Lord, wala akong ibang manager ngayon. Tutal Ikaw naman ang nagpasok sa akin sa ganitong industry, baka puwedeng Ikaw na po ang manager ko. Sobrang nagtitiwala ako sa Inyo kung ano po yung ibigay Niyo sa akin, Lord. Basta sa Inyo lang po ako.’

“After that, sunud-sunod naman yung mga projects na dumating. Kaya sobrang thankful ako kay Lord kasi wala akong ibang kinakapitan kundi Siya lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pelikulang Home I Found In You ay gaganap si Orlando bilang Arnold Jimenez.

“Ako po yung tito ni Red, si Red si John Heindrick Sitjar.”

Cast members din ng Home I Found In You sina Diego Llorico (o mas kilala bilang Diego) bilang si Mama Rona, Jhassy Busran bilang si Selene dela Cruz, Harvey Almoneda bilang Aldrin Padua, Soliman Cruz bilang Mario dela Cruz, at Eunice Lagusad bilang Judy-ann Pineda.

Ang Home I Found In You ay sa direksyon ni Gabby Ramos at mula sa produksiyon ng REMS Films (represented by AJ Ungson at Marlon Climaco) at malapit nang mapanood sa mga sinehan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Orlando Sol is mighty glad his meat business is booming this pandemic: "Dinadala ko sa mga bulalohan, ako na yung nagsu-supply sa kanila."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results