PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why is this giant sculpture in Bridgetowne Estate called The Victor?

Did you know that it's taller than the Statue of Liberty?
by Jojo Gabinete
Published Aug 13, 2023
The Victor in Bridgetown Estate
Ang gahiganteng art installation na The Victor ang kapansin-pansing landmark ng Bridgetowne Estate na matatagpuan sa hangganan ng Quezon City at Pasig City. Ito ay simbolo ng tagumpay at katatagan ng Pilipino. Ayon din kay Jefre Manuel, ang Fil-Am visual artist na lumikha nito, naging inspirasyon din para rito ang success story ng negosyanteng si John Gokongwei Jr.
PHOTO/S: Jefre Manuel Facebook

Ang The Victor ay pagkataas-taas na public art sculpture sa Pilipinas.

Ito ay gawa sa marine-grade perforated stainless steel at nilikha ng Filipino-American artist na si Jefre Manuel.

Ito rin ang pinakamalaking atraksiyon ngayon sa Bridgetowne Estate, ang kauna-unahang township ng Robinson’s Land Corporation, na nasa pagitan ng hangganan ng Quezon City at Pasig City, at pinagdudugtong ng isang tulay.

Namamangha ang lahat ng mga nakakakita sa The Victor na may height na 180 feet, mas mataas pa sa 151-foot Statue of Liberty ng New York City at 164-foot Arc de Triomphe ng Paris, France.

Ang kuwento ng pagtatagumpay sa buhay ng pumanaw na negosyante na si John Gokongwei Jr., at ang pagpupugay sa lahat ng mga Pilipino ang inspirasyon ni Jefre sa paglikha nito sa The Victor na nanganganinag o translucent kapag natatamaan ng sikat ng araw at sa tulong ng projection mapping, may iba’t ibang kulay tuwing gabi na kahanga-hanga sa paningin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Victor by Jeffre Manual

Pandemic project ni Jefre ang The Victor dahil kasagsagan ng COVID-19 noong 2020 nang umpisahan niya ang paggawa sa kanyang obra maestra na katumbas ng 24-storey building ang taas.

Maipagmamalaki ng Pilipinas si Jefre dahil siya ang unang Pilipino na nagkaroon ng makasaysayan na major exhibit sa Orlando Museum of Art sa Orlando, Florida noong November 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

VIRAL: Artwork sa loob ng National Museum, ginawang phone stand para sa TikTok video

Kinikilala sa Amerika at sa iba’t ibang bansa ang husay ni Jefre bilang visual artist.

Si Jefre ang lumikha ng Time, ang mirror stainless sculpture na may kaanyuan ng isang tao na makikita sa harap ng Megamall na nagpapaalaala sa mga tao na kahalagahan ng oras at pinasinayaan noong August 2021.

Time by Jeffre Manuel

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read:

What is the mysterious giant statue in front of SM Megamall?

"Bored" security guard nilagyan ng mga mata ang painting na worth PHP50M

Proyekto rin ng 48-year-old visual artist ang Bayani at Pag-Asa, ang iconic modern art sculptures sa Double Dragon Meridian Park sa EDSA, Pasay City na pormal na nasilayan ng publiko noong December 2021.

Bayani at Pag-asa scupltures by Jeffre Manuel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May taas na 64-feet ang Bayani at Pag-Asa na mga simbolo ng pagpupugay sa mga kabataang Pilipino na itinuturing na mga pag-asa ng bayan.

Photos: Jeffrey Manuel on Facebook

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang gahiganteng art installation na The Victor ang kapansin-pansing landmark ng Bridgetowne Estate na matatagpuan sa hangganan ng Quezon City at Pasig City. Ito ay simbolo ng tagumpay at katatagan ng Pilipino. Ayon din kay Jefre Manuel, ang Fil-Am visual artist na lumikha nito, naging inspirasyon din para rito ang success story ng negosyanteng si John Gokongwei Jr.
PHOTO/S: Jefre Manuel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results