PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie Angelika Santiago runs own cosmetics company at age 20

She was initially reluctant to become a lady boss.
by Glenn Regondola
Published Oct 12, 2023
Angelika Santiago at the Diamond Excellence Awards
Angelika Santiago holds the "Young CEO of the Year" trophy given to her by Diamond Excellence Awards.
PHOTO/S: Glenn Regondola, @angelikasantiago_ on Instagram

Nasa cloud nine ang pakiramdam ng Prima Donnas actress na si Angelika Santiago.

Sa edad niyang bente anyos ay iginawad sa kanya ang tropeo bilang "Young CEO of the Year" para sa taong ito.

Naganap ito sa Manila Marriott Hotel nitong September 26, 2023, sa Diamond Excellence Awards, isang new award-giving body na kinikilala ang "individuals, groups, companies, brands, and personalities who are contributors to the community.”

Sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng award's night, hindi mapigilan ni Jelay, palayaw ni Angelika, ang maging emosyunal.

Pahayag niya, "Grabe po, after nga nitong matanggap ko ang award na ito, kailangan ko pang ma-motivate ang sarili ko to do more, so I can inspire so many people pa, especially yung mga nasa age bracket ko nga po."

Pero alam naman ng newbie na hindi kailangang puro trabaho.

"Honestly, I'm gonna admit po na it's so hard to time manage, lalo na magkakaroon din tayo ng time na mari-realize natin na I have to enjoy some other things din, not just to focus on what I have to do...and have fun cause I'm still young."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Young CEO holds lavish The Greatest Showman-themed debut

Meet Third Domingo: Ang magsasaka na isa ring advertising agency CEO

THE MAKING OF YOUNG CEO

Siya ay edad 16 noong sinimulang i-train ng kanyang parents, sina Daddy Butch and Mommy Bhing, sa pagpapatakbo ng iba't ibang negosyo ng kanilang pamilya.

Ang mga Santiagos ang may-ari ng Glomar Herbal Philippines Corporation, na manufacturer ng herbal foods, beverages and supplements, at mayroon itong tatlong planta.

Taong 2020, sa edad na 17, iniatang sa dalagita ang cosmetics line.

Angelica Santiago KeraCream

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Jelay, "Ever since I was in elementary, then going sa puberty age, I wanted something different on my face.

'''Ba't ganito ang face ko?' I had to put something on it, especially lip gloss, kasi laging dehydrated ang lips ko, kaya I have do something kahit make-up siya, and hydrate it.

"So parang nag-start yung interest ko.

"Honestly, at first, I was confused during that phase na you really know what to do in the future. You want to live in the moment.

"I had that feeling when I was going to college, and then slowly during the pandemic, naisip ko din na sayang naman yung binuild ng parents ko.

"So naisip ko na kung ano ang gagawin ko, yung dikit sa sinimulan ng parents ko."

Tila believer ang parents niya sa katagang "start 'em young" dahil naging katuwang ng young star sa pagnenegosyo ang mga kapatid.

Aniya, "At the start, hinayaan ko muna yung kuya ko na solo on the papers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi sa magkakapatid when it comes to the explaining stuff, yung kuya ko ang best at explaining. Ako naman po ang best im umderstanding. So nag-match kami.

"Yung little brother ko naman, hinayaan lang namin. So let it be kung ano ang gusto niya.

"Now I'm learning na rin po yung loops on how to do the business. Marunong na rin akong sa marketing.

"Kasi bukod doon sa food supplements and others, meron na rin po kaming franchising and yun po yung marketing.

"And I'm enjoying na rin po."

Read:

Dating Pinay nanny sa Hong Kong, president at CEO na ng private school sa Canada

Former bank executive sa Pilipinas, naging farmer, dishwasher sa Canada; ngayon ay CEO na!

Malaking impluwensiya rin sa kanya ang mga kaibigang may sari-sariling negosyo rin.

Aniya, "Akala ko nung una, normal lang talaga yun. I saw a lot of my friends who are into business. Parang ginagawa din silang CEOs ng parents nila o board members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, I draw my inspiration from them po. Kaya nung kinausap ako ng dad ko na I should handle this specific business, kinabahan ako nun, kasi suddenly, ako na po pala bigla."

Aling bahagi ng pagnenegosyo ang ayaw niya?

Ang kuwento ng dalaga, "...minsan, may times na parang ayaw ko yung meetings, pero, eventually nang matutunan ko na rin, e, naa-appreciate ko na rin po.

"Hindi po siya ganun kadali, mahirap po talaga, but when you think yung investments ng parents namin para sa future namin, nawawala ang pagod o stress sa akin.

"Lalo na po hindi biro ang halagang ipinuhunan nila dito sa cosmetics."

Magkano ang naging capital niya?

Ayon kay Mommy Bhing, mahigit isang milyong piso ang in-invest nila sa cosmetic business.

Read:

"Lazy" student starts cold-brew business; now earning up to PHP15,000 a day

Josh Mojica, millionaire at 18; kangkong chips business, may factory na!

TIPS FROM PARENTS

Life-changing lalo na sa murang edad niya ang pagpasok niya sa business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Angelika, "Nagpu-focus lang ako nun kung papansinin ba ako ni crush or what, tapos hayun, nabago ang takbo ng buhay ko."

Mabuti na lang at nakaantabay ang parents niya.

"Basta ang turo sa akin ni mama nun, if I wake up early, puwede naman ako mag-hang out, basta may time na talagang focus ako sa working hours ko.

"So totoo po yun, mas naging mabigat [responsibilities], but for me po, I still want to remain na to keep steady lang, chill lang, pero, yeah, it's gonna be tough.

"There's pressure like I'm afraid to make mistakes. I grew up in a family who's into business, so you can see the pressure.

"Like sa kanila, it's a small mistake, pero para sa akin, it's a big mistake na. Though, my parents would tell me naman, it's okay. No need to be perfect kasi first time."

Sa kabila nito, gusto pa rin daw ni Angelika ma-achieve ang dreams niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Higit sa lahat, gusto rin niyang ma-enjoy ang kanyang buhay bilang young adult, and be as normal as possible.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika Santiago holds the "Young CEO of the Year" trophy given to her by Diamond Excellence Awards.
PHOTO/S: Glenn Regondola, @angelikasantiago_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results