Si William Raguindin, 57, ay kumikita ng higit PHP15,000 kada buwan dahil sa paggawa ng mga decorations o muwebles na gawa mula sa mga lumang gamit at iba pang bagay na patapon.
Halimbawa ay ang mga lumang sewing machine at bisikleta na inayos niya at ginawang lamesa.
Ang mga lumang paratrooper helmets naman ay ginawa niyang lampshades.
Ang mga driftwood na inanod ng baha ay inayos niya at ginawa ring house decorations at abstract art.
Sabi ni William sa ulat ni Gab De Luna ng GMA Regional TV One North Central Luzon, “Hindi naman ako mahilig dati. Nagawi lang ako sa luma, so yun na yung passion ko, ‘tapos ginawa kong hanapbuhay.”
Ang mga repurposed items na ito ay naka-display sa kanyang lumang bahay sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Mistula ngang art exhibit ang mga items na ito sa kanyang bahay.
Read: Convict argues he already served life sentence after dying briefly in hospital


Top photo: Driftwood and old gardening tool and a vintage circle plate made into wall decors. Bottom photo: An old sewing machine attached to a wood was turned into a table.
Read: DENR sa pagmamaltrato ng 2 vloggers sa mag-inang tarsiers: “Disturbing”
Bukod sa kita, may mas malalim na dahil si William para sa kanyang kabuhayan.
Aniya, “Basta lahat ng lumang gamit sa amin is ginagawan namin ng buhay.
“Nire-repurpose naming lahat para hindi mawala sa istorya ng ating lipunan.
“Malakas ang dating [sa] mga fans ng mga old items so hindi kami nababakante. Meron palagi kaming nabebenta o bisita.”
At bilang isang antique collector si William, may mga iniingatan siyang old items tulad ng 1970s turntable at stereo set, military bike, at old police jeep.

Bukas naman ang kanyang bahay para sa mga bisita at customers na nais bilhin ang kanilang repurposed items.
Read: Some restaurants in NYC employ cashiers from PH virtually via Zoom
