Handa na ba ang lahat ng inyong mga pampasuwerte para sa pagpasok ng Chinese New Year?
Recently, tinalakay natin kung ano ang mga masuwerte at mga pinag-iingat na Chinese Zodiac signs ngayong Year of the Wooden Snake.
Read: Year of the Wood Snake: Will luck be on your side?
Talakayin naman natin ngayon kung paano papapasukin ang suwerte sa bahay at maging sa buhay sa tulong ni Johnson Chua, isang feng shui master, sa YouTube video ni Kim Chiu nitong January 24, 2025.
As a Filipino-Chinese, si Kim ay naniniwala sa feng shui, at go-to person niya si Johnson pagdating sa advice.
YEAR OF THE SNAKE: WHAT TO EXPECT
Bungad ni Johnson, ang Year of the Wooden Snake ay year of “creativity.”
Paliwanag niya:
“That means this year, maraming new opportunities, new ideas, new strategies.
“In short, maraming bago na puwede ngayon—financial opportunities, business, sidelines…”
At tulad ng snake na flexible at adaptable, “volatile” din daw ang Year of the Snake.
“Sobrang malikot siya, hindi rin kasi ganon ka-stable ang energy ng taon.”
Reminder niya, “Every time na meron tayong gagawing business o investments, kelangan ng sure decision-making. Kailangan medyo maging firm ka sa target goal mo.”

Read: Netizens react to Robina Gokongwei-Pe’s post about "twin" snake
ON HEALTH AND LOVE
Nangunguna sa mga pinaalala ni Johnson na dapat ingatan ay ang kalusugan.
“So far, ang pinaka-number one lang na para sa atin lahat is the health. Yun ang pinaka-dapat nating bantayan. Wag maging kampante sa health natin."
Mukhang positibo naman ang aspetong pag-ibig.
Sabi ni Johnson, “Maganda naman talaga ang energy ng love para sa Year of the Snake.
“Everyone also can benefit on this, especially sa mga singles na naghahanap ng partner.”
Pagdating naman sa mga oportunidad na darating, nag-remind si Johnson na iwasan ang pagmamadali para sa gustong ma-achieve.
Ang energy raw kasi ng snake ay nagmamadali kaya iwasang magpadala.
Sabi pa ng feng shui master, “The more na dapat control natin ang [pace] natin, the more na mas maraming opportunity ang taon, the more na dapat mas contented tayo.”
Unahin daw dapat ang priorities at huwag magpadala sa dami ng nais gawin.
“Kasi this is a deceiving year. May tendency mamaya ma-deceive din tayo sa apple na inaalok sa atin ng taon. Wag tayong masyadong maging greedy.”
Read: Feng shui-approved plants for prosperity and luck
LUCKY COLORS
Tatlong group of lucky colors naman ang iminungkahi ni Johnson batay sa lucky elements this year.
Pasok daw ang kulay ng metal element, tulad ng white, gold, at silver.
Sa mga nagtatanong sa Chinese feng shui, ang puti ang sumisimbolo sa metal element. Second color naman ang blue na batay sa water element.
Ani Johnson ang kulay asul “can enhance the energy of calmness."
Ang pangatlong lucky color ay yellow na earth element.
Para ito sa peace of mind at pagiging stable.
Paalala ni Johnson pagdating sa lucky colors, “Puwede gamitin ang lucky colors to uplift the emotions.”
LUCKY DIRECTIONS
May mga payo si Johnson sa pag-activate ng mga directions para ma-enhance ang suwerte.
Tiyakin daw na linisin ang southwest (timog-kanluran) ng bahay.
“Iwasan yung merong mga leak o may sira on that part,” paalala ni Johnson para raw maiwasan ang paglabas ng pera.
Sa southwest naman ng inyong kuwarto, iwasan daw ang magpasok ng tubig sa bedroom na maaari raw magdulot ng problema sa relasyon.
“If you want to boost money luck, anything that symbolizes money like yung mga lucky charms, money tree, god of money, prosperity basket, puwede ring ilagay sa southwest sector.”
Kung mayroon daw mga lumang lucky charms, puwede itong ilagay sa money basket.
Paliwanag ni Johnson, kino-convert ng basket ang old charms para maglabas ng new energy.
Ang isa pa raw lucky direction ay ang east (timog) sector.
“Puwede niyong i-activate yung east. Puwede kayong maglagay diyan ng something red color or anything red. Nakakapag-boost din kasi ng energy ng east sector iyon.”
Sa East daw ay naroon ang Number 9 Star na may kinalaman sa completion, prosperity, at mga investments.
Suwerte rin daw ang southeast (timog-silangan) dahil naroon ang Number 1 Star na kilala rin daw bilang victory star.
“Dito sa southeast, puwede rin kayong maglagay ng mga water o anything moving…” paalala ni Johnson.
Kung ang gusto naman ay career advancement, iminumungkahi ni Johnson ang paglalagay ng horse image sa southeast sector para ma-boost ng career energy.
Ang Horse ay isa sa Top 3 lucky animals, kasama ang Rooster at Monkey, ngayong 2025.
Pasok naman sa Top 5 lucky signs ang Rat at Dragon.
Isa pa raw magandang practice for luck ay ang pagsusulat ng wishes at goals sa yellow wishing paper, na ilalagay sa south sector.
Ilan sa mga Pilipino ay naniniwala o pina-practice ang mga Chinese beliefs tungkol sa pampasuwerte.
Wala naman kasing mawawala kung susunod sa mga ganitong paniniwala.
Pero kahit sa feng shui, may disclaimer: Gabay lamang at ang tunay na suwerte ay nasa kamay pa rin ng tao.
