Tatlong taon nang magkarelasyon sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, nasa plano na ba nila ang magpakasal?
Lahad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Napag-uusapan. Napag-uusapan namin."
Pero may pangako ang aktor sa kanyang girlfriend.
"Sinabi ko sa kanya, gusto ko lang magkaroon ng sarili kong bahay. And after that, puwede na nating planuhin."
Paliwanag pa niya, "Kasi may goals ako, e. Nasa ano ako ngayon, nasa mga sixty to seventy percent ng goals ko."
Nakausap ng PEP si Derrick sa presscon ng Slay na ginanap sa Luxent Hotel nitong nakaraang March 19, 2025.
Gaganap si Derrick bilang si Coach Zack, ang fitness influencer na masasangkot sa isang misteryosong kamatayan.
Mapapanood na ang Slay sa darating na March 24, 9:25 ng gabi sa GMA Prime.
Read: Derrick Monasterio emotional after being praised for his acting
derrick monasterio on building his own house
Para kay Derrick, ang pagkakaroon ng sariling bahay ang "mas kailangan" kaya nagsimula na siyang bumili ng mga lote.
Proud siyang sabihin na, "Yun yung binibili ko ngayon, maraming lupa.
"Wala pa akong bahay. So maraming lupa yung binibili ko."
Nakabili siya ng prime lots sa Tagaytay, Antipolo, at Parañaque.
Dagdag niya, "Dalawa sa Antipolo, dalawa sa Parañaque."
Saan niya planong magpatayo ng bahay?
Sagot niya, "Sa Parañaque. Kasi neighbor lang yun, e. Para rin malapit siya sa compound [ng family]."
Sa Tagaytay naman daw siya magpapatayo ng rest house.

DERRICK MONASTERIO ON HIS INVESTMENTS
Sa edad niyang 29, ang dami na niyang investments.
Aniya, "Kailangan, e."
Pero mas pinili niyang mag-invest sa lupa over a condominium unit.
Dalawa lamang ang kanyang kotse, at nag-downgrade siya dahil na-realize niyang ang bilis bumaba ng presyo nila kahit pa luxury cars.
Kuwento ng Kapuso leading man, "Dati bumili ako ng BMW, worth PHP5M.
"Kasi parang ever since bata ako, gusto ko ng ganun, e.
"Tapos na-realize ko after one year, hindi ko pala ito kailangan. Binenta ko, bumili na lang ako ng iba."
Mas mababa ang presyo ng benta niya?
Dagdag niya, "Sobra. Lugi ako ng mga PHP2M."
Kaya mas nag-i-invest siya sa lupa na ang presyo, aniya, "In four years, times three na iyan."
Read: Derrick Monasterio: "Gusto ko nang mag-start ng family soon."
