JERRY OLEA
Naiisip na ni Derrick Monasterio na mag-settle down.
“Kasi, nahanap ko na yung babaeng para sa akin, e,” sambit ni Derrick sa mediacon ng pelikulang G! LU noong Abril 17, 2024, Miyerkules, sa Kao Manila, Newport World Resorts, Pasay City.
Ang tinutukoy ni Derrick ay ang kasintahang si Elle Villanueva, na katambal niya sa Kapuso afternoon drama series na Makiling.
Sa tantiya ni Derrick ay three years na silang together.
“Malaki ang naturo sa akin ng girlfriend ko po, at naambag niya sa maturity ko,” pagngiti ng Kapuso hunk actor.
“So parang sa akin, worth it iyon. Worth it iyon. Dati, bata ako. Nung nakilala ko siya, instant maturity. Sa lahat ng aspect ng buhay ko. Sa emotional maturity, kung paano ako humawak ng pera, yung mga ganun.
“So nagkaroon ako bigla ng plano sa buhay.”

DERRICK MONASTERIO READY TO START A FAMILY
May mga investments si Derrick sa real estate, saka sa stocks. Maging si Elle ay nagbabalak na rin daw mag-invest sa real estate. Meron na silang na-e-envision na dream house.
“Siyempre, gusto ko muna kasi, bago ako mag-start ng family, wow, family na, ano!” bulalas ni Derrick.
“Gusto ko nang mag-start ng family soon. Kasi siyempre 28 na po ako, e. Gusto ko kahit papaano, pag tumanda ako, makaka-basketball ko pa yung anak ko, yung mga ganyan.”
Read: Derrick Monasterio, malaki ang ipinagbago dahil sa girlfriend na si Elle Villanueva
Napag-usapan na ba nila ni Elle ang paglagay sa tahimik?
“Oo naman po, oo naman po.”
Hindi pa siya nagpo-propose?
“Hindi pa, hindi pa. Kasi gusto ko po, of course, stable ako. May sarili akong house. Gusto ko, kasal kami. Mga ganyan,” paliwanag ni Derrick.
Hinahanapan na ba siya ng mother niyang si Tina Monasterio ng apo? Nagpapahiwatig na ba si Tina na gusto nitong maging lola?
“Ahhh actually, sinasabi na nga po. Ang sinasabi niya, parang, ‘Ano kaya ang itsura ng anak nyo ni Elle?’ Mga ganyan!” saad ni Derrick.
Botong-boto si Tina kay Elle para sa kanya?
“Nakikita niya po kasi ang changes sa akin kaya siya boto. Sa iba kong past relationships, parang hindi siya ganun ka-sold,” pagtatapat ni Derrick.
Read: Derrick Monasterio finally introduces Elle Villanueva to mom Tina Monasterio
DERRICK MONASTERIO ON NURTURING RELATIONSHIP
Ang ibang showbiz couples, inabot ng 11 or 12 years ang relasyon, pero nagkahiwalay pa rin. Anong masasabi niya roon?
Napabuntong-hininga si Derrick, “Hmmmnn… mahirap iyan, baka ma-bash tayo diyan. Pero siguro ano lang, kinulang lang sila…
“Pag may ano ka kasi, pag matagal na yung partner mo, minsan nakakalimutan mo nang kausapin, mag-date. Yung mga simpleng bagay na ganun. Like pag-uwi nyo, pagod kayo pareho, magse-cellphone kayo, mga ganyan.
“Important talaga na meron talagang communication, at merong ahhhh ano pa rin talaga, may panliligaw kahit matagal na kayo.
“Kaya sinu-surprise ko siya palagi. Like pag may kailangan siya para sa career niya, ganun, bigyan ko siya ng something.”
Paano nila napapanatili ang init ng kanilang pagmamahalan? “Alam nyo na yun! Hahahaha!” paghalakhak ni Derrick.
NOEL FERRER
Nag-last taping day ang Makiling noong Abril 16, Martes. Na-extend na before ang nasabing top-rating series nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
"Hindi ko alam, bakit hindi na na-extend again, e. Kasi ang taas ng ratings naman namin. Pero happy ako sa run namin, kasi ang dami kong natutunan sa show na yun, e,” sabi ni Derrick.
“Grabe yung values na ibinigay sa akin nung show saka, ahhmm, na-develop talaga ako bilang aktor sa show na yun.”
DERRICK MONASTERIO ON SUPPORT ROLE IN PULANG ARAW
Ang next TV series ni Derrick ay ang Pulang Araw na pangungunahan nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
From lead actor sa Makiling, isa lang siya sa mga suporta sa nasabing war drama series. “
Actually ang ganda ng role po kasi, kaya ko po siya kinonsider. Kasi, singer ako dun, e, sa Pulang Araw,” sabi ni Derrick.
“Na ako yung parang celebrity nung panahon na yun. Kasi pinupuntahan ako ng mga tao para makalimutan nila yung problema nila.
“Kasi panahon ito ng giyera, di ba? So lahat, stressed. Pupunta sila roon, papakinggan nila akong kumanta, mawawala ang stress nila.”
GORGY RULA
Magaling kumanta si Derrick Monasterio, pero na-o-overlook iyong singing talent niya.
Mas napapansin ang pagiging borta niya, lalo pa’t isa siya sa frontliners ng Summer 2024 campaign ng Bench Body.

“Actually, pag may nagawa akong magandang eksena, sasabihin nila, ‘Ay! Marunong pala itong umarte, hindi pala katawan lang!’
“Tapos pag nakakanta ako nang maayos, ‘Uy! Kumakanta pala ito!’ Ang masasabi ko lang, ahhh… at least kahit papaano, may surprise pa rin, di ba? Pag nakikita nila ako.
“So aral lang po talaga. Aral kumanta, aral umarte,” saad ni Derrick
Buti, name-maintain niya ang ganda ng kanyang katawan.
“Pag tiningnan nyo ako ngayon, pag naka-topless, mataba. Promise!” sambit ng Kapuso hunk actor.
“So nadaya lang sa damit.”
Pagandahan ng katawan sina Derrick, Ruru Madrid, Kiko Estrada, David Licauco, Enzo Pineda at Teejay Marquez sa pelikulang G! LU na syinuting noong 2019 sa La Union.
“Siguro that time kasi, siyempre mga bata, wala kaming iniintindi kundi mag-workout.”
Read: David, Teejay, Derrick, and Enzo believe G! LU summer 2024 release is "perfect timing"
Ang G! LU ay idinirek ni Philip King.
Tampok din dito sina Pinky Amador, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, Maureen Montagne, Sophia Senoron, Ali Forbes, Carl Guevarra, Ken Anderson, at Denver Hernandez.
Joint venture ito ng ALV Films, Benchingco Films, at Rein Entertainment.
