Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makalimutan ni Sylvia Sanchez ang mabait na pagtrato sa kanya ng ng iniidolo niyang si Janice de Belen noong kasagsagan ng kasikatan ng huli sa showbiz.
Noong April 26, 2025, sinorpresa ni Sylvia si Janice kasama ang anak nitong si Kaila Estrada.
Lunch ang treat ni Sylvia sa mag-ina.
Pero, may plot twist ito.
Chopper ang sasakyan nila papunta sa destinasyon nila sa Alfonso, Cavite.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Janice ang pagsakay nila ni Kaila sa chopper kasama si Sylvia.

Sabi ni Janice (published as is): "TODAY WAS AN AMAZING DAY FOR SUPRISES!
"SO @sylviasanchez_a INVITED @kailaestrada AND I FOR LUNCH (heart emoji)
"BUT, WE GOT TAKEN FOR A RIDE! ON A HELICOPTER!!!
"WE PASSED BY @kailaestrada's @benchbodyph BILLBOARD (FIRST TIME KO MAKITA! SO PROUD!!!)"
Habang nasa himpapawid daw sila, marami silang napagkukuwentuhan tungkol sa buhay, pag-ibig, at kanilang mga anak.
Dagdag ni Janice (published as is): "AND WENT TO @sonyasgarden FOR LUNCH!!
"SO MUCH KWENTO ABOUT LIFE, LOVE AND OUR CHILDREN
"I'VE KNOWN @sylviasanchez_a FOR QUITE A LONG TIME! PINAHANGA MO AKO!!!!
"THANK YOU FOR TODAY."
View this post on Instagram
Read: Janice de Belen does not meddle in love life of children
SYLVIA SANCHEZ TO JANICE: "Dahil yan sa kabaitan mo sa akin noong 1990."
May malalim daw na kuwento ang pagkakaibigan nina Janice at Sylvia.
Nagsimula ang ugnayan nila sa Flordeluna, isang sikat na TV series noong 1978.
Isang fan pa lang noon si Sylvia at gabi-gabi raw siyang nanood ng nasabing TV show.
Hanggang sa pumasok sa showbiz si Sylvia at sa wakas ay nakatrabaho niya si Janice sa pelikulang Mahalin Mo ang Asawa Ko noong 1991.

Sa comments section ng post ni Janice, ikinuwento ni Sylvia ang kanyang fan-girling days.
Sabi ni Sylvia (published as is): "Dahil yan sa kabaitan mo sa akin noong 1990 @super_janice at ngayon kahit papano nakagawa din ako ng makabuluhan at napakaimportante para sayo gaya ng ginawa mo sa akin noon.
"Si @kailaestrada at para kay Kaila
"Maraming maraming salamat sayo De Belen hindi ako nagkamaling mag abang sayo gabi gabi at buhusan ng oras si Flordeluna!!
"Love you forever my Flordeluna Alicante!
"'The goodness within a person can carry them farther than the eye can see, farther than the heart can dream'"

Nagpasalamat din si Kaila kay Sylvia sa kanyang treat sa kanilang mag-ina.

