Noong kumalat ang mga larawan ni Mylene Co sa social media, nagkaroon ng interes ang mga tao tungkol sa Dior boutique kung saan ginanap ang kanyang 50th birthday celebration noong 2024.
Si Mylene ay asawa ni Zaldy Co, ang dating congressman na inaakusahan ng korapsyon sa mga flood control projects.
Ang boutique ay kilala bilang DIOR Paris 30 Montaigne, na siyang birthplace ng pamosong French brand.
Sa mga larawan ay in-upload ng @santa__marites sa Facebook at Instagram noong October 2, 2025, makikita rito sina Mylene, Zaldy, at ang kanilang mga anak.

Nasa litrato rin ang mga bisita nila, kasama ang fashion designer na si Michael Leyva at si Congresswoman Ching Bernos mula sa Abra.
Saad ng Instagram user, ipinasara umano ni Mylene ang fashion house para sa selebrasyong ito.
Gaano ba ka-big deal ang pag-hold ng private event sa venue na ito?
DIOR PARIS 30 AVENUE MONTAIGNE
BRIEF HISTORY
Noong 1946, itinatag ni Christian Dior ang The House of Dior sa 30 Avenue Montaigne sa Paris, France.
Agad itong nagtagumpay dahil sa New Look collection na ni-launch matapos ang World War 2 noong 1947.
Mula sa mga boxy shoulders at short skirts sa panahon ng wartime era, nagdisenyo si Christian ng damit na ayon sa paglalarawan ng Vogue ay may "rounded shoulders, full feminine busts, and hand-span waists above enormous spreading skirts."
Nagustuhan ito ng mga kababaihan—naging hudyat ito sa unti-unting paglaki ng fashion brand.
Sa ngayon, kilala ang Dior sa mga ready-to-wear fashion pieces, leather goods, sapatos, alahas, at pabango.
At dahil sa success ng brand, naging tourist spot na ang main branch nito sa 30 Avenue Montaigne.
Read: Megan Young speaks about how she deals with "mom guilt"
La Galerie Dior
Matatagpuan dito ang La Galerie Dior, na nagbukas noong March 2022.
Dinarayo ito taun-taon ng mga fashionista na nais malaman ang kasaysayan ng sikat na French luxury brand.
May three floors at 13 rooms ang building.
Makikita sa mga ito ang ilan sa mga iconic pieces na inilabas ng fashion house sa loob ng 79 years.

Mayroon ding coffee shop sa loob ng museum para sa mga gustong matikman ang sikat na Dior cake at ilang pang classic French pastries.
Ayon website ng La Galerie Dior, tumatanggap ito ng mga bisita mula 11 A.M. hanggang 7 P.M.
Ang presyo ng bawat ticket ay €16, o halos PhP1,100. May discounts para sa mga guro at mga estudyante.
Pero ang pagho-host ng event sa kahit anong flagship House of Dior stores ay "typically reserved for VIPs or those with special connections," ayon sa brand website.
Hindi nakasaad ang mga costs, pero puwede raw mag-submit ng inquiry.
Puwede ring through the third-party luxury travel curator, The Sybarite.
Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy
PRIVATE VISIT
Ayon sa website ng The Sybarite, maaaring mag-book ng private visit sa La Galerie Dior sa presyong £40,000 o PPP3.1 million para na sa dalawang tao.
Kasama sa private visit package ang dinner for two sa mismong museum at overnight stay sa Dior Suite na malapit sa La Galerie Dior.
“Designed for discerning connoisseurs of fashion, culture, and design, this experience is ideal for those who appreciate the artistry behind haute couture. Whether you're celebrating a special occasion or simply drawn to the elegance of Dior, this is a rare opportunity to step inside the world of one of fashion’s most celebrated houses,” saad ng The Sybarite.