Hindi raw nagmamadali sina Vic Sotto, 67, at Pauleen Luna, 33, na sundan na ang kanilang panganay na anak na si Tali Sotto.
May hadlang daw kasi kung bakit apat na taon na ay hindi pa sila muling nagkaka-baby.
Sa virtual presscon ni Vic para sa bago niyang endorsement na Boss Max3, isang supplement at coffee na may Mangosteen, kahapon, February 21, 2022, nagbigay ng pahayag ang Eat Bulaga! host tungkol dito.

Saad ni Vic, “The truth, tuwing nagdadasal sa gabi 'yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?’”
Ang problema raw ay hindi sila makapagsolo ni Pauleen dahil hindi pa pumapayag si Tali na matulog nang hiwalay sa kanila.
Kuwento ni Vic, “Ang problema ay parating katabi namin matulog, e, hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin.
“Kailangan may nakaakap sa kanya, nakaakap sa mommy, kay Daddy niya.
“Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali.
“Hopefully [soon], God-willing.”
Biro pa sa virtual mediacon, kung makakatulong daw ba ang supplement na iniendorso niya upang masundan na ang apat na taong gulang na si Tali.
Pabirong sagot din ni Vic, “Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa.
“We’re trying, alam mo naman in God’s time... alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing.
“Nasa Panginoon. Sa Panginoon naman lahat iyan, e, kung bigyan niya ng kasunod si Tali.
“Kung hindi naman, okay din naman si Tali, marami din naman siyang pamangkin na mas bata sa kanya. Marami naman siyang kalaro.”
Si Tali ay ipinanganak noong November 6, 2017.
