PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla feels blessed to be single mom and working

Kylie Padilla: "I see the bigger picture now."
by Jojo Gabinete
Published Aug 22, 2022
kylie padilla single mom
Kylie Padilla on being a single working mom: "Noong una, feeling ko talaga, hindi ko kaya. Feeling ko, nagi-guilty ako. May mom guilt kasi na, 'Wala ka...' Parang, 'Bakit mas pinipiling magtrabaho kesa mag-alaga ng anak?' May ganoon ako. But, as a single working mom, nakikita ko kapag nandiyan na yung reward."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram

Ang Bolera ang comeback primetime sports drama series ni Kylie Padilla matapos nitong makipaghiwalay ito Aljur Abrenica.

Marami raw siyang natuklasan sa sarili bilang nanay na mag-isang nagtatrabaho para sa kinabukasan ng kanilang dalawang mga maliliit na anak.

Read: Kylie Padilla on Aljur Abrenica: "While we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men."

Ipinagtapat ni Kylie sa farewell digital media conference ng Bolera nitong Lunes ng umaga, August 22, 2022, na noong una ay nakokonsensiya ang kanyang pakiramdam at baka hindi niya kayanin ang pagiging single working mother.

Pero nagkamali siya ng akala.

Saad ni Kylie, “Noong una, feeling ko talaga, hindi ko kaya. Feeling ko, nagi-guilty ako.

"May mom guilt kasi na, 'Wala ka...' Parang, 'Bakit mas pinipiling magtrabaho kesa mag-alaga ng anak?' May ganoon ako.

"But, as a single working mom, nakikita ko kapag nandiyan na yung reward.

“Siyempre, mas nabibigyan ko sila ng magandang buhay if I work. May sacrifice talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I know better now before ako nag-start.

“I know why I’m doing it kasi, ngayon, nangangarap na rin akong bumili ng bahay para sa kanila. I see the bigger picture now.

"So, yun siguro ang natutunan ko. As a working mom, it’s really a blessing to be able to work kasi not every mom can do that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga sariling karanasan bilang single working parent, may mga natutunan din si Kylie mula kay Joni Fajardo, ang karakter na ginagampanan niya sa Bolera.

“Ang pinakatumatak sa akin is to trust the healing process. Kasi si Joni, kaya naman siya naging mainitin ang ulo, kaya siya nagalit sa mundo, kaya siya naging ganoon is because I feel like hindi pa niya na-process ang pagkamatay ng tatay niya.

"Biglaan kasi. Hindi niya ine-expect, and she’s a daddy’s girl. Hindi pa niya totally na-heal ang sarili niya bago siya sumabak sa mga ginagawa niya. She’s really trying hard to heal herself.

"Pero, di ba, healing takes time? So, if I was to talk to Joni, I would tell her na, 'Kalmado ka lang. Take it easy on yourself,'" saad ni Kylie tungkol sa karakter niya sa Bolera.

Pero malaki ang pagkakaiba ng ugali nila ni Joni dahil nakita ng publiko na kalmadong-kalmado si Kylie nang maghiwalay sila ni Aljur.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pagkakataong makalaro si Efren "Bata" Reyes at ang ibang mga world champion sa billiard sa mga eksena ng Bolera ang pinaghandaan ni Kylie dahil isang pambihirang karanasan iyon para sa kanya.

Aniya, “Alam kong mai-starstruck ako kasi hindi lang isa yung makikilala ko.Sabay-sabay sila, lahat ng legends sa isang room.

“Sabi ko na lang, I will just be Joni. Kasi kung si Kylie yun, baka hindi ako makaarte. So, talagang I got into Joni’s shoes and nakinig na lang ako.

“Lahat sila may payo sa akin sa paglalaro ng billiard at naging sponge lang ako. In-enjoy ko lang yung game namin kasi ang saya nilang kasama, to think na world champions sila pero walang kaere-ere.

“They’re so friendly, so humble, and so ready to teach. Nakakatuwa, ang saya-saya ko.

“Ramdam ko rin yung masaya sila na ako yung napili to represent billiard for a few months sa show namin. I’m really thankful that they’re really nice and accepting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magwawakas ang Bolera sa darating na Biyernes, August 26.

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on being a single working mom: "Noong una, feeling ko talaga, hindi ko kaya. Feeling ko, nagi-guilty ako. May mom guilt kasi na, 'Wala ka...' Parang, 'Bakit mas pinipiling magtrabaho kesa mag-alaga ng anak?' May ganoon ako. But, as a single working mom, nakikita ko kapag nandiyan na yung reward."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results